Home EXTRAFONTS Motorista: Bawal muna sa Kennon Road

Motorista: Bawal muna sa Kennon Road

20
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

PANSAMANTALANG isinara ng mga awtoridad ang pa­mosong lansangan na Kennon Road, isa sa mga pangunahing lansangan paakyat ng Baguio City, sa lalawigan ng Benguet dahil sa mga pagkukumpuning isinasagawa sa naturang kalsada dulot ng pagguho ng lupa.

Kaya hindi na muna makikita ng mga turistang umaakyat sa City of Pines ang Lion’s Head, na matatagpuan sa Camp 6 sakop ng Kennon Road.

Ang monumentong hinihintuan ng mga turista bago umakyat ng city proper.
Ang Kennon ang pinakamatandang lansangan paakyat ng Lungsod Baguio, na sinimulang gawin noong 1903 at sinimulang padaanan sa publiko noong 1905. Sa simula ay tinawag itong Benguet Road hanggang sa naging Kennon Road na ipinangalan kay Col. Lyman Walter Vere Kennon, isa sa United States Army Corps of Engineers na gumawa ng naturang lansangan.

Medyo makipot ang Kennon kumpara sa ibang alternatibong daanan tulad ng Naguilian Road na ngayon ay Quirino Highway, Marcos Highway, at Nangalisan-San Pascual Road papunta sa Siyudad ng Baguio.

Dahil mas maikli ang distansiya ng Kennon Road na may haba lamang na 41.2-kilometro kumpara sa tatlong major access roads, ang nagiging problema sa Kennon Road ay ang malimit na pagguho ng lupa at bato kahabaan ng nasabing lansangan.

Lubhang mapanganib ang pagdaan sa Kennon Road tuwing panahon ng tag-ulan dahil lumalambot ang lupa sa dalisdis ng kabundukang binabaybay ng kalsadang ito kaya kapag nagkaroon ng landslide ay awtomatikong isinasara ang naturang highway.

May ilang pangyayaring naitala na may mga behikulong nadaganan ng malalaking tipak ng bato at natabunan ng lupa nang magkaroon ng landslide sa ilang bahagi ng Kennon Road, kung saan nasawi ang mga sakay.

Kaya sa mga motoristang aakyat ng Baguio City, dumaan na muna sa mga alternatibong lansangan paakyat ng siyudad dahil kasalukuyang nagsasagawa ng pagkukumpuni sa naturang lansangan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleLibreng pasine para sa mga senior, ihihirit ni Mayor Rico Roque
Next articleAasenso ang bayan kung may lider na katulad ni Kuya Jonathan
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here