Home Top Story Motornapper na gun-for-hire, patay sa engkwentro sa Santa Maria

Motornapper na gun-for-hire, patay sa engkwentro sa Santa Maria

6428
0
SHARE

SANTA MARIA, Bulacan — Patay ang isang hinihinalang motornapper at gun-for-hire matapos magbenta ng nakaw na motor sa isang undercover agent sa ikinasang buy bust operation sa Bypass Road, Sitio Macaiban, Barangay San Jose Patag sa nasabing bayan nung Huwebes (Nov. 7).

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Carl Omar Fiel, Santa Maria chief of police, nakilala ang suspek sa alyas Marlon at isa pang hindi nakilalang lalaking kasamahan na mabilis na nakatakas.

Naganap ang naturang buy-bust operation bandang alas-3:20 ng madaling araw sa nabanggit na barangay,

Ayon kay Fiel bandang alas-2 ng hapon nang nakipag-koordinasyon sa kanila ang Bulacan Highway Patrol Group tungkol sa bentahan ng nakaw na motor.

Lumabas pa sa kanilang imbestigasyon na ang suspek ay sangkot sa serye ng holdapan at gun for hire activities kasama na rito ang pagnanakaw ng mga motorsiklo.

Aniya, may natanggap silang impormasyon na nagbebenta ang suspek ng isang Yamaha MIO motorcycle kaya agad na nagsagawa ng joint operation ang local polie at HPG para makatransaksyon ang suspek hinggil sa ibinibenta nitong motorsiklo.

Nagkasundo ang mga pulis na nagpanggap na bibili ng motor at ang suspek na magkita sa Bypass Road sa Sitio Macaiban.

Nang makarating sa lugar agad na bumaba ang poseur buyer subalit nakatunog ang suspek at hindi nakilalang kasama nito na pulis ang kanyang nakatransaksyon kaya pinaharurot nito ang sinasakyang motorsiklo.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek na may nakaabang na sa kanyang daraanan ang 303 HPG team at nang hinarang ay pinaputukan niya ito.

Gumanti ang mga pulis sa putok ng suspek na ikinabulagta nito habang mabilis naman nakatakas ang kasamahan nito sa direksyon ng Sapang Palay.

Sinabi ni Fiel na tumutugma ang itsura ng suspek sa killer ng isang lalaking naka-tricycle na binaril at napatay sa Brgy. Sta Clara, Santa Maria kamakalawa.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang ilang plastic sachet na naglalaman ng shabu, baril na ginamit ng suspek at drug money.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente ng pamamaril. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here