Home Ronda Patrol MPD District Director Gen. Anduyan: The Man of Action

MPD District Director Gen. Anduyan: The Man of Action

339
0
SHARE

MAY kasabihan nga tayo “The man of the few words is The Man of Action” ’yan si Manila Police District (MPD) Director Police Chief Supt. Rolando B. Anduyan, nakita naman natin at naramdaman mula ng maupo ang mama!

Agad itong nagtrabaho huli dito, huli duon ang ginawa nito at agad ipinatupad ang anti-criminality at drug campaign ng PNP katunayan nga ay nabigyan pa ng award ang MPD nitong nakaraan bilang phase graded inspection champion sa Camp Crame at tuloy din ang pagpapatupad sa paghuli sa mga lumalabag sa ordinansa tulad ng mga half- naked, smoking ban in public places, drinking in public places at curfew in minors.

Muli ay pinahanga nanaman tayo ni Anduyan sa ginawa nitong aksyon sa reklamo ng mga kamag anak ng mga hinuli ng tatlong pulis Maynila na may ranggo na PO2 na nagpanggap na mga PDEA agent ang tatlong pulis na sina PO1 Radam Reyes Manglicmot, PO1 Jeff-Pee Macapagal Calaguas, PO1 Edmar Dalusong Cayanan mga naka-assign sa Anti- Crime Section ng Police Station 5.

Dahil sa pag-iinom sa kalsada sa may Ermita para umano makalaya ang sampung katao na kanilang inaresto ay humingi ng P300,000 ang mga gagong pulis na ito sa asawang lalake ng isa sa mga hinuli ng mga kumag hanggang sa bumaba ang tawaran na parang palengke sa halagang P50,000.

“KAPAL NG MUKHA” ng mga bagito na ito ang hindi alam ng mga timawa naitimbre na sila sa opisina ng heneral na agad pinakilos ang ilan sa kanyang mga pulis at nagsagawa ng entrapment operation at nadakip ang tatlo at ang siste, kutos at sermon ang inabot ng mga nahuling bagitong pulis ng malaman at puntahan sila ni NCRPO Chief General Guillermo Eleazar.

Ang malaking katanungan ng mga miron at ilan sa mga nakausap natin ay kung kaya ba talaga na magsagawa ng ganitong raket ang tatlong PO1 na ito o may nasa likod na mas mataas na opisyal na nagbasbas sa kanila?

Dapat laliman ang imbestigasyon sa nangyaring extortion case na ito dahil sa mata ng mga nagtatanong na mamamayan ay baka sacrificial lamb lang ang mga nahuli at pilit itinatago ang pinaka-utak ng matagal ng kalakaran ng ilan mga bulok na pulis sa hanay ng MPD.

Muli ay binabati natin si Police Chief Supt. Anduyan sa mabilis na pag aksyon at siyempre gayundin si General Eleazar.

Mga Sir congratulations po sa maganda ninyong pamamalakad at nararamdaman po ng sambayanang Pilipino ang inyong pinangakong pagbabago para maibalik ang tiwala ng mamamayan sa ating mga kapulisan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here