Home Featured Story MUHAMMAD ALI: “ I AM THE GREATEST” (Conclusion)

MUHAMMAD ALI: “ I AM THE GREATEST” (Conclusion)

455
0
SHARE

ANG dating binatilyo na si Marcellus Cassius Clay ng Louisville, Kentucky na sumikat sa pangalang Muhammad Ali ay unang nagsanay sa gym ng police officer na si Joe Martin, na siya ring nakatuklas sa kakaibang lakas, bilis at liksi ng dating Clay noong siya ay nakipaglaban sa lalaking ka edad niya na nagnanakaw ng kanyang bisikleta. Mula noon, gumawa ng malaking pangalan si Ali sa mundo ng boksing.

Mula sa pagiging Olympic gold medalist noong 1960 tinanghal namang world heavyweight boxing champion in 1964 nang agawin ang korona sa dating kampeon na black American na si Sonny Liston.

Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang kasaysayan, limang taon ding hindi napanood ng boxing fans si Ali, makaraang makulong dahil sa kasong legal na isinampa sa kanya ng U.S. Department of Justice dahil sa paglabag sa Selective Service laws.

Dahil hindi napigilan ng alinmang balakid ang kasikatan ni Ali, muli siyang umakyat sa lonang parisukat makaraang limang taon at si Jerry Quarry ang kanyang nakalaban. Tinalo niya si Quarry nang walang kahira-hirap. Sumunod naman niyang nakalaban si Joe Frazier. Ang labang iyon ay tinaguriang “Fight of the Century”, noong March 8, 1971 sa Madison Square Garden sa New York City.

Ang dikitang laban ng dalawa ay umabot hanggang 14 rounds. Pagsapit ng 15 at huling round ng naturang laban ay isang matinding left hook ni Frazier ang nagpabagsak kay Ali, subalit agad itong nakatayo hangang sa tumunog ang bell, hudyat na natapos na ang last round.

Unanimous decision ang naging hatol ng mga hurado sa labang iyon na pabor kay Frazier, kaya na-retain ang kanyang championship belt at lumasap naman ng unang pagkatalo si Ali.

“RUMBLE IN THE JUNGLE”

Muling nakalasap ng kabiguan si Ali sa pagharap niya kay Ken Norton, noong Marso 1973. Nakababagot ang naturang laban, ayon sa mga nakapanood ng naturang boxing bout na umabot hanggang sa huling round.

Natalo si Ali kay Norton sa pamamagitan ng split decision. Sa laban ding iyon nalinsad ang panga ni Ali nang tamaan ng malakas na suntok ni Norton.

Nawala sa limelight si Ali, samantalang gumanda naman ang boxing record ng sumisikat noong si George Foreman. Malakas si Foreman at hindi na niya pinatatagal ang bawat laban na kanyang nilahukan. Si Foreman din ang tumalo kina Fraizer at Norton na kapwa pinabagsak ni Foreman.

Isang matandang Filipino fan ni Ali ang nagsabi na hindi siya kumbinsido noon na tatalunin ni Ali si Foreman. “Noong magharap iyang si Ali at Foreman, inakala ko na tatalunin ang aking manok (Ali). Napakalakas ng kanan ni Foreman. Nakita naman natin ang mga nakaraan niyang laban na pinatulog lahat ang kanyang mga nakatunggali.”

Ang laban ay ginanap sa Africa, sa bansang Zaire, ang boxing promoter na si Don King ang nag-promote ng labang iyon. Dito sa Pilipinas, punung-puno ng manonood ang mga bahay na may telebisyon. Lahat ay nagsisigawan sa tuwing nakapagpapatama ng mga suntok si Ali.

Walang nagawa angpamatay na kamamga kumbinasyong nakapagpalito kay Foreman. Tumagal ang laban kaya hindi kinaya ng kampeon ang pagod na nadarama. Sa ika-walong round ay matitinding kumbinasyon ang pinatama ni Ali sa mukha at katawan ni Foreman. Nanghina ang tuhod ni Foreman at tuluyang bumagsak.

“THRILLA IN MANILA”

Mula nang talunin ni Ali si Foreman, nagbalik ang kanyang lakas, bilis at kumpiyansa sa sarili. Bilang kampeon, nais niyang makaharap sa isang rematch si Joe Fraizer. Hindi man kampeon si Fraizer ay may nais siyang patunayan na kayang niyang talunin si Fraizer sa kalawang pagkakataon, hindi sa uninanimous decision kung hindi sa pamamagitan ng technical knockout.

Sa unang laban nina Ali Fraizer ay na-knockdown ni Fraizer si Ali sa 15 round kaya TKO ang desisyon ng mga hurado. Sa kanilang ikalawa at non-title fight na ginawa sa New York, tinalo naman ni Ali si Fraizer sa pamamagitan ng unanimous decision.

Pero hindi pa rin naglubay si Fraizer. Humirit pa siya ng isa pang laban na dito nga ginanap sa Pilipinas.

Ang laban na pinakahihintay ng buong mundo ay natupad. Dito sa Pilipinas, sa Araneta Coliseum , sa Quezon City ginawa ang epikong laban na pinamagatang “Thrilla in Manila”, noong Oktubre 1,1975.

Ang kababayan nating si Carlos, Padilla, ang ‘third man on the ring’ o reperi sa labang iyon. Hindi magkamayag ang hiyawan sa loob ng Araneta ng “Ali! Ali!”. Naroon sa loob ng arena at personal na nanood sa labang iyon si dating Pangulo Ferdinand E. Marcos.

Nagmistulang pista opisyal ang araw ng laban nina Ali at Foreman. Dumalang ang mga sasakyang dumadaan sa mga pangunahing lansangan dahil ang lahat ay nakatutok sa telebisyon sa oras ng labang iyon.

Sa tagal ng laban, halos magsara ang kaliwa at kanang mata ni Fraizer. Nang hindi na ito halos makasuntok, samantalang pinauulanan ng mga suntok ni Ali, naghagis ng tuwalya ang corner ni Fraizer at itinigil ang laban. Nanalo si Ali via TKO.

ALI MALL, ANG LANDMARK NG KAMPEON

Makaraang ang Thrilla in Manila, ipinatayo ni Ali ang isang shopping mall sa lugar ng Araneta Center, sa Cubao, Quezon City, ang Ali Mall. Ang establisimyentong ito ang nagpapaalala sa mga kabataan sa ngayon na ang pamosong world boxing champion na tinaguriang “The Greatest” “The Prettiest” ay minsang gumawa ng malaking event dito sa ating bansa.

Sa mga dekadang nagdaan, hanggang sa kasalukuyan ay dinarayo ng mga kababayan natin buhat sa iba’t ibang sulok ng ating bansa ang Ali Mall. Doon ay maraming memorabilia si Ali na nagpapaalala ng kayang katanyagan at kadakilaan.

Kahit nasa kabilang buhay na si Ali, nananatili pa rin siya sa puso ng mga Pilipinong humanga at nagmahal sa kanya. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here