Muling pagpapa-alala sa taumbayan

0
119
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAPAG-ALAMAN natin na may nais na ituwid sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) ayon sa kanilang anunsiyo ay walang ‘lockdown’ ito anila ay istriktong pagpapatupad lamang ng Resolusyon bilang 2020-07-003.

Nais ulitin o ipaalam muli ng naturang lungsod na mahigpit na pagpapatupad sa mga sumusunod: 1. Ang ‘Market Day’ ay mananatili pa rin tuwing Lunes hanggang Sabado, segun sa itinakdang araw at oras ng kani-kanilang barangay. Habang sarado tuwing Linggo ang mga Palengke (Pampubliko at Pribado, kasama rito ang mga talipapa) sa buong lungsod upang magsagawa ng paglilianis at pagdidisimpekta. 2. Ibabalik rin ang  ‘Checkpoints sa lahat ng Barangay. 3. Muli gagamitin ang mga ‘Quarantine Pass,’ upang malimitahan ang hindi awtorisadong paglabas ng mga tao.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga Senior Citizens, maging ng mga 21 years old pababa, mga buntis, at may kasalukuyang karamdaman. Maliban na lamang kung bibili ng mga pangunahing pangangailangan. 4. Pagpapatupad ng ‘Curfew’ mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

Muli ay ating ipapaalala sa madla, ang implementasyon ng ‘Task Force ERID,’ Resolusyon bilang 2007-07-003.

Alinsunod sa ‘implementing rules and regulations (IRR) ng Kautusan ng Lungsod bilang 2020-037-05 o ang ‘Ordinance Requiring the Mandatory Use of Facemask in the City of San Jose del Monte.’ Ang pasusuot ng ‘face mask’ at pagtalima sa ‘physical distancing’ ay kailangan sundin. Ang sinumang mahuhuling hindi nakasuot ng ‘face mask’ sa labas ng bahay ay pagmumultahin.

Tsk! Tsk! Tsk! Maging masunurin sa itinatadhana ng batas at lagiang mag-ingat ng sa gayun ay walang puwang na makapaminsala ang nakamamatay na COVID-19.

Kailangan ang pakikipagtulungan ng balana sa ating pamahalaan ng makaiwas sa banta ng panganib. Alalahanin natin ang ating mga sarili na kapag tayo ay nahawaan ng taong positibo sa naturang virus ay tayo rin ang makapamiminsala ng kapwa tao at baka pamilya mo ay madamay.

Walang masama na sundin ang tama at disiplinahin ang sarili, ito para na din sa katiwasayan ng sarili at ng ating kapwa.

*****

Napaulat na ilang tanggapan sa loob ng Kapitolyo ng Lalawigan ng Bulacan ay hindi rin pinalagpas ng salot. Walang pinipili itong COVID-19. Ibig mo man gantihan ang salot, eh, hindi mo naman nakikita. kaya ang tanging magagawa natin ay manampalataya sa Panginoon.

Nais kong ibahagi ang panalangin ni Vice Governor Willy Sy Alvarado, Lalawigan ng Bulacan, narito po: “Panginoon, una muna ang pasasalamat at nananatili kaming buhay at ligtas ngayong araw sa kabila ng patuloy pa ring nakaambang panganib dulot ng COVID-19.

Ang aming dakilang lalawigan ng Bulacan ay nasa kategoryang Modified General Community Quarantine (MGCQ) na ngayon. Huwag Ninyo po kaming pababayaan sa pagpasok sa bagong yugto ng aming pagharap sa pandemyang ito.

Panginoon, Ikaw lamang ang aming sandigan ng buhay at kalakasan. Tanging Ikaw lamang ang nakakaalam ng aming kapalaran. Itulot Mo po na kami ay magkaroon ng lakas at sapat na biyaya upang patuloy na mabuhay.

Muli naming itinataas ang dalanging ito sa ngalan ng Iyong anak na si Hesus. Amen.

Tsk! Tsk! Tsk! Huwag kalimutan ang lagiang pagsuot ng ‘face mask,’ at kapag kakain kayo lumayo sa ibang kumakain sapagkat hindi ninyo magagamit ang inyong ‘mask’ habang kumakain. Lagiang tandaan na mahalaga ang ‘physical distance at least 3 feet’ o medyo malayo pa dito.

Sa una medyo nakaiilang at nakapapanibago, pero kapag naisip mo ang kaligtasan ng sarili at kapwa mo, tiyak na pipilitin mong gawin para sa ikabubuti ng lahat, at tuluyang mawaksi na ang Salot na COVID-19.

Kung may mga nais kayong ipalathala ay mangyaring ipadala sa ating email: billones@ralo.org, Hanggang sa muli. (RONDA BALITA Online)

Previous articleSSS sets new rules for online filing of retirement claim
Next articleAntibodies: Hindi ‘immunity passport’
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here