Home National News Murang bigas, itininda ng NFA sa mga dating taga-riles sa Marilao

Murang bigas, itininda ng NFA sa mga dating taga-riles sa Marilao

163
0
SHARE
Pinagtulungan nina National Food Authority (NFA) Regional Director Piolito C. Santos at Provincial Head Elvira Obana ang pagtitinda ng mga murang Bigas sa relokasyon ng mga dating taga-riles sa bayan ng Marilao. Ito'y bahagi ng pagtugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palawakin ang pagtitinda ng mga murang Bigas, habang mataas ang implasyon.

MARILAO, Bulacan — Mismong ang National Food Authority (NFA) na ang naghatid at nagtinda ng mga bago, mabango at murang bigas sa bakuran ng mga dating nakatira sa riles ng tren sa Marilao.

Ito’y bahagi ng Tagpuan Day-Rice Response Delivery ng ahensiya bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na paigitingin ang pagtitinda ng mga murang bigas, lalo na sa mga mahihirap, habang mataas pa ang implasyon.

Ayon kay NFA Regional Director Piolito C. Santos, ibinebenta ng NFA ang naturang mga bigas ng P27.00 kada kilo. Mas mababa ito sa kasalukuyang presyo ng mga Bigas na komersiyal sa mga palengke, mula P42 hanggang P50 halaga kada kilo. “Ipagpapatuloy namin ang pagtitinda ng murang bigas hangga’t hindi bumababa ang presyo ng bigas sa merkado,” aniya.

Ang mga Bigas na itinitinda ng NFA sa kanilang mga isinasagawang Tagpuan Day, ay bahagi ng 250,000 metro toneladang bigas na inangkat sa Vietnam at Thailand. Sa loob ng nasabing bilang, 120,000 na kaban ang inilaan ng NFA para sa suplayan ang Bulacan. Ipinaliwanag ni Direktor Santos na “sa 120,000 na kaban, 60,000 na rito ang nailabas na namin at ngayo’y itinitinda na namin. Mayroon pa tayong 60,000 na bigas na nakasakay pa sa barko sa Subic.”

Galing sa Thailand ang 31,000 kaban at 29,000 ang mula sa Vietnam.
Tiniyak pa ni Direktor Santos na ibababa na ang natitirang 60,000 kabang alokasyon para sa Bulacan kapag gumanda-ganda na ang panahon. “Hindi maibaba sa barko ang mga bigas dahil ulan nang ulan. Pero kapag umaraw-araw na, doon pa lang ulit makakapagbaba. At kung habang ibinababa ay nabasa ng ulan, hindi tatanggapin ng NFA ang mga nabasang bigas. Isasauli namin iyan at papalitan ng contractor,” pagbibigay diin ng direktor.

Kaugnay nito, isinusulong ng NFA na maitaas ang presyo ng kanilang pagbili sa mga lokal na Palay na naani sa Pilipinas. Target nilang makabili ng mga lokal na palay mula halagang P22.00 hanggang P24.00 kada kilo sa 2019. Ito’y upang mapataas ang imbak na bigas ng NFA na hindi na masyadong nakaasa sa pag-angkat.

Source: PIA

SHARE
Previous articleNutriAsia clarifies strike issues
Next articleDrug suspect killed by vigilantes in Bulacan?
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here