My City Homes Developer mabilis sa penalty, mabagal sa refund

0
1060

PANAWAGAN ko sa My City Homes Developer na may tanggapan at opisina diyan sa World Center Bldg. Buendia Ave, Makati City na kinuhanan ko ng isang unit ng bahay sa Kaia Homes Subdivision sa General Trias City, Cavite na maibalik na sa akin ang sobrang naibayad ko sa kanila.

Napansin ko lang na napakatagal ng proseso ninyo sa pagsasauli ng refund na sumobra sa aming pagbabayad sa in-house financing na may petsang Sept. 30-Oct.30, 2017 at sa halos dalawang beses ninyong pinabayaan at iwala ang mga dokumento ko sa pag-aapply ng Pag-Ibig Housing loan ay naaprubahan na sa wakas matapos ninyo kaming perwisyuhin at magpabalik-balik sa pagkuha ng mga panibagong dokumentong dapat ipasa sa Pag-ibig ay natapos na rin nitong February 21, 2018 na sinimulan ko nuon pang nakaraang taon.

Grabe ang galing ng serbisyo ninyo, wala akong masabi. I commended you guys sa SOBRANG BAGAL!!!

Ngayon naman ay ang dalawang refund checks ko na ini-report ko sa inyo diyan sa in-house financing at pinagawa pa ninyo ako ng letter of request nitong buwan ng March 14, 2018 at ang sabi ninyo balikan ko after 1 month. Anyare?

Matapos kung isumite ang mga dokumento ng aking refund na nagkakahalaga ng sixteen thousand pesos (Php16,000) bumalik ako makaraan ng isang buwan pero hindi pa din ninyo pala inaasikaso at may panibago na naman kayong dahilan na kesyo kailangan muna ninyo ng internal investigation.

Ang sagot ko sa inyo ay dadalhin ko ulit ang mga dokumento ng mga nabayaran ko pero ang sabi mo sa akin Miss Grace Ibio ay hindi na kailangan basta bigyan lang kayo ng time sa gagawing imbestigasyon.

Pero ang tanong ko hanggang kailan ako maghihintay at ano ang nangyari sa unang isang buwan na ibinigay ninyo sa akin na dapat ay naisagawa n’yo na ang sinasabi ninyong imbestigasyon sa refund checks na ibinayad ko?

Isa pa sa sistema ninyo na hindi maganda ay napakabilis ninyo sa pagpapataw ng PENALTY na natutukan ninyong mabuti pero sa sistema ninyong magbalik ng sobrang naibayad o REFUND ay napakabagal.

Kayo din naman ang nagsabi diyan sa opisina ninyo na dapat ay tuluy-tuloy lang dapat ang pagbabayad ng in-house financing loan hangga’t hindi pa naaprubahan ang Pag-Ibig Loan, ’eh, ang kaso naaprubahan na ang loan ko sa Pag Ibig at sumobra ako sa pagbabayad sa in-house ng dalawang buwan kaya binabawi ko ang perang nabanggit. Pero ano itong ginagawa n’yo halos padaanin ninyo ako sa butas ng karayom.

Hindi na ako nagtataka kung bakit karamihan sa mga kliyente ninyo ay nauubusan ng pasensya kapag nakikipag-transaksyon sa inyo dahil sa PALPAK at MABAGAL ninyong serbisyo, dangan nga lamang at napakatatamis ng dila ng inyong mga ahente sa pag-aalok ng bahay pero ang kapalit pala ay sakit ng ulo para sa mga kliyente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here