Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan My teacher, My hero

My teacher, My hero

38
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

“MY teacher, my hero!” ‘Yan daw ang mga guro.

Noong Oktubre 5, ginunita natin ang National Teacher’s Day. Ito ay alinsunod sa Republic Act 10743.

Every year ay naglalaan tayo ng isang espesyal na araw para kilalanin at parangalan ang mga guro. Alam naman natin kung gaano kahalaga ang mga guro. Sila ay may napakahalagang papel na ginagampanan sa ating lipunan.

Sila ang tumatayong pangalawang magulang sa ating mga anak. Sila ang katuwang natin sa pagbibigay ng edukasyon at pagtuturo ng magandang asal sa ating mga anak. Hindi basta-basta ang kanilang sakripisyo para lang mahubog ng tama ang bawat batang ipinagkatiwala natin sa kanila sa loob ng eskuwela.

Ang pag-aalagang ibinibigay nila sa ating mga anak ay katulad din ng pag-aalagang ibinibigay natin bilang magulang. Kumbaga, secured na secured tayong ligtas ang mga anak natin habang nasa loob ng eskuwela habang binabantayan ng mga guro dahil alam natin na hindi nila pinabapabayaan ang mga bata.

Ang pagbibigay natin sa kanila ng parangal taon-taon ay dapat lang bilang pagpapakita ng pasasalamat.

Gaya ng sinabi ko, hindi basta-basta ang trabaho ng mga guro kaya sana naman, ang salary increase na matagal na nilang hinihiling na maibigay sa kanila sa ilalim ng administasyon ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay mabigyan na ng katuparan.

Ilang beses na bang nangako ang Pangulo na pagkakalooban niya ng salary increase ang mga guro pero lagi lang naman napapako.

Bagama’t may mga panukalang inihain sa Kongreso at Senado na naglalayong itaas ang sahod ng mga guro, hanggang ngayon ay wala pa rin linaw if this coming January 2020 ay magkakaroon na ng salary increase ang mga guro.

Meron daw talaga! Ito ang mga kumakalat na balita sa Facebook pero sabi alam naman natin na maraming mga Fake News sa Facebook kaya huwag tayong basta-basta maniniwala. Ang masasabi ko, let’s wait and see kung ano ang totoo dahil mahirap ‘yun umaasa sa wala.

At sana rin, kung magkaroon man ng increase eh yun ‘increase’ na matatawag na makabuluhan. ‘Yun increase na hindi man kalakihan gaya ng tinanggap na increase ng mga military at pulis, eh, makasasapat para makatulon lalo na sa mga gurong nagpapa-aral sa high school at college.

Kung talagang itinuturing natin na mga bayani ang mga guro, sana naman ay pakinggan at aksyonan natin ang mga karaingan nila. Ibigay natin ang mga benipisyong nararapat sa kanila. Pahalagahan natin sila tulad ng mga pagpapahalagang ginagawa nila para sa bayan at sa mga bata. Pansinin natin sila. (RONDA Balita Online)

SHARE
Previous articleIlocos Sur PPO, humakot ng award mula sa PRO 1
Next articleJulia-Gerald unti-unting nilalantad ang relasyon sa publiko
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here