Nadine nagpaliwanag sa ‘bikini issue’ habang umaakyat ng bundok

0
107

NAGING usap-usapan ang larawan ni Nadine Nustre na nakasuot lang ng bikini habang nagma-mountain climbing.

Ang nasabi umanong larawan ay sa Twitter account daw niya nakita.

Pero, dinedenay ng actress na wala siyang Twitter account.

Sey ni Nadine sa socmed: “I don’t have twitter.”

“Di na ba uso fact checking ngayon? 2021 na o anuba.”

Very environmentalist ang actress kaya gustong-gusto niyang umaakyat ng bundok para makapagtanim ng mga puno roon dahil nakakalbo na ang ibang kabundukan sanhi ng pagkakaroon ng baha at landslide.

Post pa ni Nadine sa kanyang Instagram: “Fund a seed so we can reach our goal of 88,000 trees.”

May paliwanag din siya kung bakit naka-bikini sya nu’ng time na ‘yun.

Aniya: “Ayokong magsuot ng basang shorts, kaya nagpatuyo muna ng mga 10 mins. ok ikaw kaya magsuot ng basang maong habang naghahike with smiley emoji.

Dagdag pa niya, “I can’t believe people really assumed that I hiked in a bikini. Balakayodyan, Babalik na ko sa ulap J”

Hindi kasi naipaliwanag actress ang kanyang suot kung bakit siya naka-bikini kaya espekulasyon ng netizens ay yun talaga ang kanyang suot habang nagha-hike.

Pinutakte tuloy siya ng mga bashers. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here