Nag-aanyayang beach resorts

0
403
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

HALOS sandaang araw na ang nakakaraan mula nang ideklara ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, ang Proclamation 929 na nagsasailalim sa state of calamity ang buong Pilipinas, dahil sa dumadaming kaso ng Covid 19.

Maraming business establishments ang nagsara at malaking dagok ang tinamo ng industriya ng turismo sa ating bansa mula nang magkaroon ng lockdown at isailalim sa enhance community quarantine ang maraming lugar sa Luzon, hanggang sa Kabisayaan at ilang parte ng Mindanao.

Sa kasalukuyan ay medyo pinaluwag ng IATF (Inter-Agency Task Force) ang mga lugar na dating nasa ECQ, na ngayon ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), subalit hindi pa rin mabuksan ang maraming beach resorts at inland resorts ang hindi pa rin mabuksan dahil sa umiiral na quarantine.

Malalaman natin kapag naibaba na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang mga lugar sa Luzon. Pwede na kasing magbukas ang mga resort pero sa 50 porsiyentong kapasidad lamang. Hindi pa pwede ang full operation dahil baka sa halip na mapababa ang kaso ng covid 19 ay baka lalo pang tumaas.

Nakasasabik din naman talaga ang maglunoy sa malamig na tubig ng dagat at masaya rin naman ang maligo at lumangoy sa swimming pool kaya habang hinihintay natin ang “new normal” ay ihanda ang mga damit pampaligo at siyempre ang pinakamahalaga sa lahat ng ihahanda ay ang salaping badyet sa paggala.

Sa totoo lang, wala namang peligro sa sakit kung ang mga guest ay maglalanguyan o magbababad lang sa dagat. Ang peligro lang kasi ay ang pagsasama-sama sa loob ng hotel room at ang paglalaro sa labas ng mga guest room. talagang mabilis ang paghahawahan kapag ang ang mga tao ay dikit-dikit.

Sa ganitong kalagayan ay mahirap kontrolin ang mga tao kaya inuunti-unti ng IATF ang pagluluwag sa panahon ng pandemic. Ang tao kasi kapag niluwagan ay sinasamantala ang sitwasyon pero kapag hinigpitan naman ay maraming reklamo.

Kapag nakakapanood ako ng video clif na inilalarawan ang kasalukuyang kalagayan ng maraming beach resot. Wala kang makikitang aktibong paggalaw ng mga tao. Nakuhang luminis ang dagat dahil hindi mapuntahan ang mga beach resort dulot ng GCQ. Hintayin na muna natin na maibaba sa MGCQ ang quarantine. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here