Home Top Story Nag-viral na pulis sa pananampal ng bus driver, pinatawag ni NCRPO chief

Nag-viral na pulis sa pananampal ng bus driver, pinatawag ni NCRPO chief

295
0
SHARE

DAHIL sa reklamo at reaksyon ng mga netizen na nakapanood ng video sa isang pulis na nanampal ng isang bus driver, agad na pinaimbestigahan ni NCRPO Police Director General Guillermo Eleazar ang pangyayari at agad na pinahanap ang naturang pulis.

Nakilala ang pulis na si PO1 Edmar Costo, beat patroller na naka-assign sa Parañaque City Police Station base na rin sa ginawang pag iimbestiga ng Southern Police District sa pangunguna ni District Director Tomas Apolinario.

Nangyari ang insidente nu’ng Miyerkules dakong alas-5:30 ng hapon sa kahabaan ng Roxas Blvd. malapit sa Redemptorist Church, Baclaran, Parañaque City habang minamaneho ng driver na si Joel Mametis ang Valisno Express na may plaka na TXV 220.

Ayon kay PO1 Costo kasalukuyan silang nag-aayos ng daloy ng trapiko nang parahin ang bus na minamaneho ni Mametis dahil sa pagparada nito sa gitna ng kalsada na nagdulot ng matinding pagkabalam ng daloy ng trapiko.

Mabilis na inakyat ng pulis ang driver para isyuhan ng Citation Ticket subalit sinubukan umano siyang suhulan ng driver na agad niyang tinanggihan at pilit kinuha ang lisensya nito subalit nagmatigas umano ang driver at sinigawan ang pulis na nagdulot ng mainitan na pagtatalo.

Inamin ng pulis na sinampal niya ang driver ng bus dahil naubusan umano siya ng pasensya dito.

Agad na ni-relieved sa puwesto si Costo at inilipat sa Regional Holding Section Group o RHSG.

Tinawagan na din ang driver na si Mametis para magsampa ng kasong administratibo na Simple Misconduct at Criminal offense na Slight Physical Injury laban sa inirereklamong pulis ng Parañaque City. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article17-anyos na tulak ng ‘damo’ sa socmed, timbog sa Pasig City
Next articleBulacan Kuyas whip Parañaque Patriots
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here