Home National News Nag-viral sa socmed na guidance teacher, arestado sa Marikina City

Nag-viral sa socmed na guidance teacher, arestado sa Marikina City

84
0
SHARE

MARIKINA CITY — Dinakip ng mga elemento ng Marikina City Police Station (PCP-2) sa pangunguna ni P/Sr. Insp. Emil Garcia ang isang diumano’y dating guro at nag-viral sa social media matapos umanong umulit na kumain sa Giligans Restaurant at hindi magbayad nu’ng Sabado ng hapon sa River Banks Mall, Barangay Barangka sa nasabing lungsod.

Nakilala suspek na si Ma. Criselda Gureng, 45-anyos, na dating nakatalaga bilang guidance teacher sa isang eskuwelahan at residente sa Quezon City at pinaniniwalaang nagkaroon ng diperensya sa pag-iisip.

Base sa inisyal na imbestigasyon bandang alas-11 ng umaga ng parehong araw ng pumasok at umorder ng pagkain sa restaurant si Gureng na umabot sa halagang P1,037.

Ayon sa Branch Manager na si Mirra Ruez at ng i-abot na ng waiter ang resibo ng kinain ng suspek ay nagwala na ito kaya’t agad silang humingi ng tulong sa pulisya subalit pagdating ng mga pulis sa lugar ay ang mga ito naman ang pinagbalingan ng suspek at pinagsalitaan ng masama bago binuhusan ng beer at nambato pa umano ng baso na naging dahilan para arestuhin ang suspek.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Marikina City Police Station at sasampahan ng mga kasong Estafa, Direct Assault, Oral Defamation, Alarm Scandal at Resistance and Disobedience. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here