Home National News Naghanap ng away, ‘todas’ sa Batangas

Naghanap ng away, ‘todas’ sa Batangas

637
0
SHARE

STO. TOMAS, Batangas — Dead on arrival sa ospital ang isang lalake habang kritikal naman ang isa pa matapos magduwelo dahil sa mainitan na pagtatalo nung Martes ng gabi sa Sitio Jordan, Brgy. San Vicente sa nabanggit na bayan.

Nakilala ang biktima na si Ramil Villanueva habang ang suspek naman ay kinilalang si Alberto Malabanan, pawang nasa hustong gulang.

Pinaghahanap sa kasalukuyan ang dalawang kasama ng biktima na tumakas sa gitna ng gulo.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Sto. Tomas police sakay ng isang motorsiklo ang suspek ng harangin ng biktima kasama ang dalawang hindi nakilalang mga kaibigan nito para komprontahin na nauwi sa matinding argumento.

Nauna umanong bumunot ng improvised cal. 38 (sumpak) ang biktima na si Villanueva at pinaputukan ang suspek subalit hindi pumutok ang dalang sumpak kaya agad na kinuha ng suspek ang dalang cal. 45 na baril at ipinutok sa biktima ng tatlong beses na nagtamo ng sugat sa kanang balikat at binti. Mabilis naman nagtakbuhan patakas ang dalawang kaibigan ng biktima sa di batid na direksyon.

Naisugod pa sa Laurel District Hospital ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay ayon sa rumespondeng doktor habang naka-hospital arrest sa CP Reyes Hospital ang suspek ng nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ng gulpihin ng mga kapitbahay ng biktima.

Nagsasagwa na ng follow-up operation ang Sto. Tomas Municipal Police Station para mahanap ang dalawang tumakas na kasama ng napatay na biktima. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleDating miyembro ng ‘Bonnet Gang’ todas sa Batangas
Next article32 drug suspects arrested in Bulacan sting
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here