Home Katropa Rumoronda Nagkapit-bisig para sa sambayanan!

Nagkapit-bisig para sa sambayanan!

27
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

KAPAG serbisyo ng sambayanan ang paguusapan, tila wala ng tatalo sa mag-asawang ito, na nagkakapit-bisig upang maisakatuparan ang kanilang sinumpaang tungkulin at responsibilidad na mapaglingkuran ng ganap ang kanilang mga nasasakupan. Ito ay sina Mayor Arturo Robes at Congw Rida Robes ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan.

Napag-alaman ng Katropa na binisita ni Mayor Robes ang proyektong City Sports Complex, at kanyang sinuri ang kinalabasan ng malaking Bulwagan ng Palakasan na matatagpuan sa Rd 12 Barangay Minuyan Proper, LSJDM, Kamakailan. Maraming natutuwang San Josenios dahil ika nila masikap ang mag-asawang Robes na mapaunlad ang Lungsod ng San Jose at mabigyan sila ng magandang kinabukasan at maiayos kanilang buhay. ” Natutuwa kami sa mga nangyayaring mabilis na pagunlad ng aming lugar, kaya Katropa ipaabot mo ang aming pasasalamat,” sambit ng isang San Josenio. IKa naman ng ibang mamamayan sa karatig bayan, ” ang gagaling kasi ninyo sa San Jose, talino ninyo pinagsama-sama eh.”

Ang ating Kongresista na si Ate Rida, papular na tawag sa kanya, ay namahagi ng mga gamit na ‘sound system’ sa Graceville Elementary School, Barangay Graceville, LSJDM, kamakailan. Ito ay magagamit ng mga mag-aaral at guro sa kanilang mga isinasagawang aktibidades at programang may kaugnayan sa kanilang pag-aaral at komunidad. Ang programang Dobleng Aksyon tulong-tulongsa pagsulong, ng magasawang Robes, ay isang epektibong pamamaraan na mapalapit sa mga nangangailangang San Josenio, upang malaman ang mga naisin at hinaing ng mga ito at ng sa gayun ay malapatan ng maayos na solusyon.

Kaya nga lahat ng mga bagay na masakit tingnan at mga daanang lubak-lubak ay inayos, para maging kampante ang mga mamamayan ng San Jose. Wika nga ni Ate Rida, ” ang Lungsod ng San Jose Del Monte, sabi nila pangit, marumi, masikip ngunit ngayon maliwanag na. maaliwalas na at higit sa lahat malinis na.”

Ang pagbibigay ng Serbisyong Medical at Dental sa mga mamamayan ng Villa Muzon Subdivision, Barangay Muzon, kamakailan, sa tulong ng San Miguel Foundation, sa pamamagitan pa rin ni Congw Rida. Wow!

Tsk! Tsk! Tsk! May napansin lang ako. totoo ba ang sabi-sabi na karamihan sa gwapo at maganda ay may magandang kalooban, iyan ay kaparis din ng kanilang anyo? Masuwerte ang mga San Josenios may gwapo silang Mayor at Magandang Kinatawan sa Kongreso. Patuloy na kaunlaran at pagpapala pa sa LSJDM. Mabuhay po kayo!

Hanggang sa muli! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here