Home Uncategorized Naibigay ang pagkababae sa hindi siguradong pagmamahal   

Naibigay ang pagkababae sa hindi siguradong pagmamahal   

235
0
SHARE

Dear Papa Ron,

Musta na Papa Ron? Just call me Guia, from San Rafael, Bulacan and I have a boyfriend for six months na. Just call him Carl.

Naguguluhan ako Papa Ron at kailangan kong ihingi sa inyo kung ano ang maipapayo sa aking problema.

Kapwa kami nasa 3rd Year college student ng aking boyfriend. Last month ay may hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa aming dalawa ng bf ko.

Dala ng aming kapusukan, naibigay ko sa kanya ang aking pagkababae. Ito ang bagay na bumabagabag sa aking kaisipan dahil nagdududa ako sa aking nararamdaman. Mahal ko ba talaga si Carl o hindi?

Pasalamat na rin ako at hindi nagbunga ang aming kapusukan.

Pero bakit po ganon, hindi ko nga naiisip na mahal ako ng bf ko pero naibigay ko naman sa kanya ang aking pagkababae? At sa kabila ng may nangyari na sa amin ay hindi ko pa rin masagot ang katanungan na kung mahal ko siya.

Bakit po ganun?

Guia

 

Dear Guia,

Kahit ako ay medyo naguluhan sa problema mo. Naibigay mo sa kanya ang sarili mo pero hindi ka pala sigurado sa sarili mo kung mahal mo nga ang boyfriend mo.

Pero masuwerte ka pa rin dahil hindi nagbunga ang inyong kapusukan at sana ay hindi na maulit pa ang ganung pangyayari lalo’t hindi mo pala sigurado ang damdamin mo sa kanya.

Hindi mo rin kasi nabanggit sa liham mo kung nagbago na ang bf mo mula ng nakuha niya ang pagkababae mo. Kung dati ba siyang maalalahanin o sweet ba siya?

Siguro ang pinakamainam na hakbang Guia ay mag-usap kayo ng boyfirend mo. Heart to heart talk para magka-alaman na kung ano ba talaga ang kahihinatnan ng inyong relasyon. Kung may pagmamahal pa kayong nararamdaman o kung wala na ay tapusin n’yo na at ituon mo na lang ang iyong atensyon sa iyng pag-aaral.

Kung maka-graduate na kayo at maramdaman n’yo kapwang hindi ninyo magagawang lumayo sa isa’t isa, tunay nga ang pagmamahalan ninyo.

Papa Ron

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here