Nakaamba ang ganap na kaunlaran sa LSJDM

0
110
Opinion Column ni Vic  Billones lll

ISANG makasaysayang pangyayari ang nabuong ‘Task Force’ na pamahalaan at maisaayos ang isang espesyal na operasyon, nitong nakaraang ika-8 ng Pebrero, 2021. Ito ay upang ipaalam sa taumbayan ang kahalagahan ng pagdedeklara bilang isang ‘Highly Urbanized City’ (HUC,) ang Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM.)

Ilang buwan na ang nakalilipas ng ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ang LSJDM ay isang Highly Urbanized City (Proclamation No. 1057,) dahil natugunan nito na magkaroon ng sapat na papulasyon na sinang-ayunan ng Philippine Statistic Office, gayundin ang pagkakaroon ng sapat na taunang kita na pinatotohanan naman ng Department of Finance-Bureau of Local Government Finance.

Ngayong ito ay naipahayag na ng Pangulo, kailangan ang pagkilos, upang ganap na maunawaan ng mamamayan at tanggapin ng taos-puso, ang magandang maibibigay sa kanilang buhay ng kaunlaran na iinog sa pagiging HUC ng nasabing Lungsod.

Ano ba ang mga mangyayari sa isang HUC? Sa Negosyo o kalakalan at komersiyo: Ibinubunsod ng HUC ang mga ‘business sector’ sa bansa, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagkakakitaan at isang mas kakaibang kabuhayan.

Malawak na grupo ng negosyo at serbisyo ay makakatulong sa pagmolde ng kakaiba at makabagong institusyong pagkakakitaan at palitan, na siyang nagbibigay ng pagyabong sa mga lungsod na lugar.

Sa lubos na urbanisasyon, ang pamumuhay ay may mga benepisyong makakamtan, gayundin sa trabaho at mga oportunidad na may malaking kita ang mga mamamayan, at sa kalakalan.

Ang serbisyong panlipunan, gawaing bayan o imprastraktura, edukasyon at pagunlad ng ekonomiya ay nabibigyan diin at may mga positibong epekto.

Tsk! Tsk! Tsk! Sa ganitong senaryo ay mababago ang kapaligiran at kalidad ng pamumuhay ng mga San Josenios. Lahat ay magtatamasa ng mas kakaibang paghalili tungo sa inaasahang kaunlaran ng naturang Lungsod.

Malaki ang pasalamat ng nakababatid ng magandang hinaharap ng LSJDM, kila Mayor Arturo Robes, Congw Rida Robes, City Administrator Dennis Booth, Ph.D., at sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.

Ang pulong ay dinaluhan ng mga piling kinatawan ng kani-kanilang sektor sa lipunan, na silang tutulong sa pagusad ng HUC. Mabuhay ang nabuong ‘Task Force!’ Nawa sa pamamagitan ninyo ay maunawaan ng ganap ang magagandang maidudulot ng kaunlaran sa isang ganap na urbanisadong siyudad.

*****
Programa ng MHO ng Pandi, makabuluhan

Dito naman sa bayan ng Pandi, kung saan pinamamahalaan ng isang masipag at huwarang lingkod bayan na si Kgg. Enrico Roque, ay patuloy ang pagtulong nito sa kanyang nasasakupan, kasama ang mga kawani ng naturang Munisipyo.

Kamakailan lamang ay naibalita sa isang sikat na pahayagang lokal, ang programa ng Municipal Health Office ng Pandi, ito ay ang ‘Chikiting Ligtas,’ ang pagbabakuna sa mga bata laban sa tigdas, polio at rubella.Batay sa ulat ito ay isinasagawa sa bawat barangay ng bayang Pandi.

Pinasalamatan ni Mayor Roque ang mga tumulong na maisakatuparan ng maayos ang nasabing programang pangkalusugan sa kanilang bayan.

Tsk! Tsk! Tsk! Magandang balita mula sa bayan ng Pandi. Mabuhay po kayo diyan sa Municipal Health Office! (RONDA BALITA Online)

Previous article‘Gulo’ sa Sangguniang Panlungsod ng Malolos, hindi pa nareresolbahan
Next articleNasaan na ang higit P15 Bilyong pondo ng PhilHealth?
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here