CITY OF MALOLOS, Bulacan — Umabot na sa 7,825 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit na coronavirus disease (COVID-19) matapos na magtala ng bagong 16 recoveries sa lalawigan ng Bulacan.
Base sa huling datos ng Bulacan Provincial Health Office (PHO) nitong Biyernes, Nov. 20, 2020, alas-4 ng hapon, merong kabuuang 8,795 ang nagkasakit ng COVID-19 sa Bulacan.
Sa naturang confirmed cases, 721 ang active cases, 44 ang fresh cases at 14 ang late cases.
Umabot naman sa 249 ang mga nasawi sa virus sa lalawigan kabilang 5 naberikang namatay nitong Biyernes.
San Jose del Monte City ang may pinakamaraming kumpirmadong may sakit na COVID-19 na umabot sa 1,512 cases na sinundan ng Marilao na may 936 cases at Sta. Maria nay may 759 cases mula sa 21 bayan at 3 lungsod na sakop ng lalawigan.
Sa patuloy na data cleaning at data harmonization na isinagawa ng Provincial Epidemiology & Surveillance Unit o PESU, 170 ang nabawas sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa ating lalawigan. Ang ilan sa mga ito ay double entry habang ang ilan ay isinaayos na ibilang sa ibang lugar gaya ng NCR hindi sa Bulacan.
Ang mga naturang datos na ito ay base sa mga naisumiteng laboratory results at documents na bineripika ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).
Bisitahin ang www.bulacancovid19.ph upang makita ang COVID-19 status ng mga bayan at lungsod. (RONDA BALITA Online)