Home Showbiz Naked photo nina Aubrey at Troy, muling nag-viral sa socmed

Naked photo nina Aubrey at Troy, muling nag-viral sa socmed

368
0
SHARE
Troy and Aubrey nude photo

MULING nag-viral sa social media ang mga naked photo ng mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles nang magbakasyon sila sa Coron, Palawan kamakailan.

Bago pa nito, nauna nang nag-viral sa socmed ang mga pinost nilang naked photo noong nasa isang resort sila sa Batangas.

Ayon kay Aubrey, hindi nila pinagsisisihan ang pagpo-post ng mga naked photo nila ng kanyang mister

Kung may natutuwa sa ginagawa ng mag-asawa dahil wala silang takot na ipakita sa buong mundo ang mga fit bodies nila sa kasalukuyan nilang edad, meron namang mga konserbatibo na hindi nagugustuhan ang ginagawang exploitation ng mag-asawa.

Ayon sa ibang netizens, hindi raw magandang example ang ginagawa nina Aubrey at Troy dahil maling mensahe ang pinapaabot nila sa mga kabataan ngayon, na okey lang na i-expose nila ang kanilang katawan para lang mapansin at magkaroon ng maraming likes sa Instagram.

Pero bilang depensa, sinabi ni Aubrey na hindi sila nagsisisi ni Troy sa ginawa nila dahil nasa tamang edad na sila at kaya nilang gawin iyon.

“Sinasabi nila, ‘Why do you have to post?’ Sinasabi ko, ‘Well, because we can.’ We’re old enough for an adult na kung ano ang gusto naming i-post at saka we actually do this every time we travel,” diin ni Aubrey.

Isa sa naeeskandalo sa mga naked photo ng mag-asawa ay ang kapatid ni Troy na si KC Montero. Kapag may nakita siyang mga naked photo ng dalawa, nilalagyan niya nito ng nakakatawang graphics para maging meme ang mga ito.

Source: Abante

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here