Nanay ng binatilyong binaril sa sentido sumisigaw ng hustisya

0
270

NORZAGARAY, Bulacan — Humihingi na hustisya ang ina ni Kenneth Ginggoba na binaril sa sintido habang papauwi umano sa kanilang tahanan.

Nanawagan din ito na sana ay mabigyan na umano ng CCTV footage ang kapulisan upang matukoy at madakip ang may gawa umano ng krimen.

Base sa inisyal na imbestigasyon ay binaril umano sa sentido ang biktima ng hindi nakikilang salarin habang papauwi na sa kanilang bahay galing sa isang inuman kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sa panayam ng RONDA BALITA Online sa ina ng biktima, nasa pagitan umano ng alas-12 ng gabi hangagang ala-1:30 ng madaling araw nitong nakaraang Linggo nang mangyari ang krimen.

Dagdag pa ng ina na nakipag-inuman ang kanyang anak sa mga kaibigan at natapos ito na bandang alas-12 ng hating gabi.

Nalaman nila ang pamamaril bandang ala-1:30 ng madaling araw at nakarating ang biktima sa ospital bandang alas-2 ng madaling araw na wala ng hininga.

Base umano sa autopsy, malapitang binaril sa kaliwang sentido ang biktima ng salarin gamit ang kalibre .45 dahil sa bakas ang pangingitim sa mukha nito.

Wala naman umanong nakaaway ang biktima sa kanyang mga kainuman dahil mga kaibigan niya ang mga ito.

Naalala lamang ng ina na ang kanyang namatay na anak ay kasapi ng isang itinayong gang ng mga kabataan sa lugar na posibleng may kaaway na ibang grupo.

Patuloy umano ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at patuloy na nangangalap ng ebidensya gaya ng CCTV footages. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here