‘Nangungumlimbat’ na tauhan ng gobernador

0
240

MATAGAL ng umuugong ang balitang. Ayos at magaling umanong mangupit ang babaeng ito. Ayon sa akin bubuwit nakabili na ng bagong refrigerator, bagong kama at halos ay puro bago ang kasangkapan na kung susumain mo ang suweldo nito ay hindi agad agad makapupundar ng mga gamit.

Aba, kaawa-awa naman ang lumalapit sa Gobernador na binibigyan niya ng tulong sa abot ng kanyang makakaya ang kanyang mga constituents pero ’yun pala hinayupak na impakta, kinukupitan pa.

At kung minalas-malas ka hindi pa ay pa makakarating ang tulong. Tanging isasagot lamang sayo ng impakta ay wala pa daw eh…

Ang kapal ng mukha mo! Sagad hanggang buto. Naaatim mo na ’yung mga taong nangangailangan na lumalapit sa mahal na Gobernador ay KINUKUPITAN MO PA!

Ungas ka, oras oras! May sahod ka naman bakit mo pa pinag- iinteresan ang para kay Juan.

Hindi ako magtataka kapag nagtagal tagal ka pa ay magkaroon ka ng bagong sasakyan, katas ng pangungupit mo sa mga sobre na binibigay ng Gobernador.

Sige lang, ipagpatuloy mo ’yang ginagawa mo. Ako mismo ang magpapatunay sa ginagawa mo impakta ka! Dapat sayo tawagin ng manananggal ng laman ng sobre.

Nakakamagkano ka na kaya sa pangungulimbat sa mga taong nangangailangan ng tulong mula sa Kapitolyo? Sobrang kapal ng apog mo hindi para sa iyo pinapapakialaman mo.

Hala sige lang. Kupit pa more. Wish ko lang na makarating sa amo mo ang pangungupit mo.

Kawawang mga indigents lalo lang kayong pinapahirapan ng impakta.

Sa susunod papangalanan na kita! Gets mo IMPAKTITA!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here