Home National News Narvacan, pasok sa Top 10 richest municipalities sa buong ’Pinas

Narvacan, pasok sa Top 10 richest municipalities sa buong ’Pinas

303
0
SHARE

CANDON CITY — Laking tuwa ng mga mamayan ng Narvacan, Ilocos Sur matapos na lumabas ang latest na Annual Financial Report ng Comission on Audit (COA) at kasama sa Top 10 richest municipalities sa buong Pilipinas.

Base sa result na inilabas ng COA, ang Narvacan ay pang-9 sa listahan at may assets na P1.627 billion.

Ang resulta ay ibinase ng COA sa mga financial statement report meron ang mga LGU noong 2017.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapabilang sa Top 10 ang bayan ng Narvacan.

Pinatunayan ng naturang report na maganda talaga ang serbisyong ibinibigay ng mga opisyal ng naturang bayan lalung-lalo na kina Mayor Zuriel Zaragoza at sa kapatid nito na si Vice Mayor Fayinna Pilar S. Zaragosa.

Nauna rito, may mga grupong nagpapakalat ng mga block propaganda laban sa magkapatid na kesyo sa tagal ng panahong ng kanilang pamumuno sa Narvacan ay walang umanong masyadong nagawa ang dalawa para mapaunlad ang naturang bayan.

“Aramid makitamon (Nandyan na, kitang-kita mo na sa gawa ang ebidensya)!” ang maikling pahayag ni Zaragosa sa mga miyembro ng media tungkol sa nasabing isyu matapos na lumabas ang resultang ito mula sa COA.

Narito ang kumpletong listahan ng mga Top 10 na richest provinces, cities at municipalities sa bansa:

10 richest provinces : Cebu – P34.139 billion; Compostela Valley – P18.95 billion; Batangas – P15.568 billion; Rizal – P14.02 billion; Negros Occidental – P12.889 billion; Zambales – P10.455 billion; Bulacan – P10.451 billion; Palawan – P10.159 billion; Iloilo – P10.045 billion; at, Pampanga b– P9.53 billion.

10 richest cities: Quezon City – P68.33 billion; Manila – P38.677 billion; Cebu City – P33.86 billion; Pasig – P33.703 billion; Taguig – P19.641 billion; Caloocan – P17.011 billion; Pasay – P16.662 billion; Davao City – P13.182 billion; at, Calamba – P12.414 billion

10 richest municipalities: Cainta – P3.988 billion; Sual (Pangasinan) – P2.529 billiion; Limay (Bataan) – P2.426 billion; Sto Tomas (Batangas) – P2.15 billion; Binangonan (Rizal) – P2.106 billion; Mariveles (Bataan) – P2.091 billion; Tanay (Rizal) – P1.793 billion; Carmona (Cavite) – P1.659 billion; Narvacan (Ilocos Sur) – P1.627 billion; at, Silang (Cavite) – P1.598 billion. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article2018 Climate Reality Leadership Award
Next articlePLDT-Smart, Globe welcome entry of Mislatel Consortium, 3rd telco player
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here