Nasa London na para mag-shoot; MOVIE NG JADINE TULOY NA

0
482

USAP-USAPAN na hindi na matutuloy ang pelikulang ginagawa nina Nadine Lustre at James Reid na Never Not Love You.

Sumuko raw kasi ang director na si Antoinette Jadaone dahil sa unprofessionalism ng magkasintahan.

Kesyo lagi raw napa-pack-up ang shooting dahil may time raw na lasing si James, pinabulaanan naman ito ng kanyang kampo.

Naliwanagan ang lahat ng mag-guest si Nadine sa Tonight With Boy Abunda.

Sinabi ni Nadine na siya ay nagkasakit at dahil sa health reasons ay na-miss niya ang pagsu-shoot.

Nagkapaliwanagan ang bawat panig at kaninang umaga ay naka-post na muling tuloy ang shooting ng Jadine. Katunayan nasa London na sila ngayon para mag-resume ng pelikula. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here