Nasa mabuting kamay ang Lungsod ng Malolos — Mayor Natividad

0
584
Ang isinagawang ground breaking ceremony ng Malolos People's (Republika) Park kamakailan sa harap ng bagong city hall ng lungsod. (Kuha ni Verna Santos)

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa mga nalalabing araw ng paglilingkod ni Malolos City Mayor Atty. Christian D. Natividad ibayong sipag pa rin ang natutunghayan sa kanya ng kanyang mga kababayan.

Ang isinagawang ground breaking ceremony ng Malolos People’s (Republika) Park kamakailan sa harap ng bagong city hall ng lungsod. (Kuha ni Verna Santos)

Pormal na tinatapos ni Mayor Christian ang mga nasimulang programa at lahat ay kanyang isinasaayos at hindi niya basta iiwanan na lamang sa mga bagong manunungkulan.

Katunayan, kamakailan lamang ay magkasunod na isinagawa nito ang ground breaking ceremony ng Malolos People’s (Republika) Park kasunod ay ang pagpapasinaya ng gusali ng disaster preparedness and regional evacuation center na matatagpuan sa McArthur HighWay, Barangay Bulihan sa harap ng bagong gusali ng Bahay Pamahalaan ng nabanggit na lungsod.

Sa naganap na programa, masayang binigkas ni Mayor Christian Natividad, na “masaya akong tumatayo sa inyong harapan sapagkat alam kong nasa mabuting kamay ang Lungsod ng Malolos.” Aking ibinibilin sa ating bagong halal na Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian at ng ating bagong Vice Mayor Len Pineda, wika nito.

Incoming Malolos City Mayor Bebong Gatchalian. (Kuha ni Verna Santos)

Natapos at nagampanan ni Mayor Natividad ang paglilingkod bilang alkalde sa loob ng siyam (9) na taon. Ang katuparan ng Bagong Malolos ay nasaksihan at naramdaman ng mamamayang Malolenyo. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here