Nasaan na ang higit P15 Bilyong pondo ng PhilHealth?

0
103
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

HANGGANG ngayon mga kabayan, malabo pa sa “sabaw ng pusi,” kung sino at paano maibabalik sa kaban ng PhilHealth, ang umanoy ninakaw o nawawala na higit sa P15 Bilyong pisona pondo nang nasabing ahensya.

Maraming mga opisyal ng ahensya ang tinanggal na sa trabaho habang ang ilan sa kanila ay una nang nag-resign matapos maramdaman na sisibakin na sila sa kanilang mga posisyon.

Habang ang iba naman ay nagkasakit ng amnisya at tila baga nakalimutan ang kanilang mga ginagawang trabaho ng masangkot ang kanilang mga pangalan sa bilyong pisong anomalya.

Malupit sila mga kabayan, dahil magaling silang magtahi ng kasinungalingan na tila hindi nila alam kung saan at sino ang nagkamal ng  bilyong pisong salapi ng taumbayan.

Bagama’t may mga kinasuhan na at kabilang ang dating Heneral na si Morales, pero nakapagtatakang bigla na lamang nanahimik ang isyu ng mga nakawan!

Bakit kaya hindi mabawi ng gobyerno ang salapi ng mga Filipino sa mga dakilang kinawatan ng PhilHealth? Sadya nga na makakapal ang mukha ng mga sangkot sa katiwalian.

Kumusta naman kaya si Former NBI Director PhilHealth Chief Dante Gueran na siyang pumalit sa dating trabaho ni Morales na wala umanong alam sa lintik na nakawan ng kuwarta sa ahensya.

Sana naman mapanagot ang mga nasa likod ng nakawan sa pera ng mamamayan at maibalik ang bilyong piso para sa ipangtustos sa gastusin ng mga Filipinong may iniindang sakit o problema sa kanilang mga kalusugan.

At dahil sa planong pagtataas ng singil ng ahensya sa mga contributors nito, agad nagkasa nang panukalang batas si Senador Bong Go na naglalayong ipagpaliban ang pagtataas ng singil sa kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa ilalim ng Senate Bill 2000, dapat na bigyan ng kapangyarihan ang pangulo ng bansa na suspendihin ang naka-schedule na taas singil sa Philhealth.

Si Go, ay chairman ng Senate committee on Health, aniya hindi napapanahon ang taas singil dahil may kinakaharap pa na pandemya ang bansa.

Iginiit pa ng senador na mas makabubuti na mag-focus muna kung paano matutulungan ang mga kababayan nating nangangailangan dahil sa COVID-19 crisis.

Sa panahon ngayon kailangan muna nating isaalang-alang ang pangangailangan ng ating mga kababayan, ani pa ni Sen. Go.

Aniya, sasalohin na muna ng pamahalaan ang pagpopondo para sa implementasyon ng Universal Health Care Law.

“Lalo na ngayon na nasa health emergency ang bansa, nawawalan ng kakayahan ang mga Filipinong magbigay ng dagdag na kontribusyon dahil sa krisis.

Matatandaang Marso 2020 ng nakalipas na taon nagpalabas ang Philheath ng Circular Number 2020-005 na nagtataas ng kontribusyon. Mas mainam na huwag na munang dagdagan ang pasakit sa taumbayan.

Para sa mga reaksyon at reklamo mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here