Home National News Nationwide transport strike ikinasa sa Disyembre 4-5

Nationwide transport strike ikinasa sa Disyembre 4-5

247
0
SHARE

NAKATAKDANG muling magsagawa ng nationwide transport strike sa Disyembre 4 hanggang 5 ang mga grupo ng jeepney drivers at operators upang maipahayag ang pagtutol sa planong modernization program ng administrasyong Duterte.

Sa ginanap na press conference sa National Press Club kahapon, sinabi ni George San Mateo, convenor ng No to Jeepney Phaseout Coalition, na hindi sila patitinag sa bantang crackdown ng pamahalaan simula sa Enero 1, 2018 laban sa mga lumang jeep.

Ayon pa kay San Mateo, ang modernisasyon ng mga jeepney ay paraan lamang ng gobyerno para maibenta ang Euro 4, isang electric-powered na sasakyan sa mga tsuper at operator na aabot sa P1 milyon ang halaga ng kada isang unit.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na simula sa ­Enero 1, 2018 dapat wala nang makikitang jeep na bumibiyahe kahit lumang-luma na.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here