NCRPO Chief Albayalde ang bagong Chief PNP

0
1148
SINABI ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa kanyang mensahe kamakailan na si NCRPO Police Director General Oscar David Albayalde ang papalit kay out-going PNP Chief General Ronald “Bato” Dela Rosa.
Magandang desisyon ito para sa Pangulo dahil hindi naman sayang ang pagkakapili kay General Albayalde kung sakaling pormal ng gawin apat ang estrelya sa balikat ng mama.
Ang inyong lingkod kasama ang susunod na PNP Chief na si NCRPO Police Director General Oscar David Albayalde. 

Dahil pinatunayan naman niya na karapat-dapat siya sa trabaho at posisyon bilang PNP Chief.  Isa sa mga hinangaan natin kay Albayalde ay ang pagpupuyat at pagsasakripisyo nito kahit dis-oras ng gabi ay nag-iikot ang Heneral para inspeksyunin ang mga kapulisan kung ito ay mga nagtatrabaho ng tama.

Dahil dito maraming natuklasang katarantaduhan ang NCRPO Chief tulad ng mga Hepe ng pulis na natutulog at mga kapulisan na nakatalaga sa ilan mga istasyon na agad naman inaksiyonan ni Albayalde at marami pang mga ’di mabilang na anti-criminality drug campaign at mga drug wars.
Tayo ay nagpapasalamat at malawak na ang magiging kapangyarihan at otoridad ng susunod na PNP Chief at isa sa mga hiling natin kay General Albayalde ay ang pagbalasa sa ilang mga Regional Director at Provincial Director na mga tila BULAG at MANTIKANG TULOG sa kanilang mga AOR pagdating sa mga illegal activities. Isama na rin ang mga hepe na hindi nagtatrabaho ng maayos at tila bata at sunod sunuran parin sa kanilang mga alkalde lalo na pagdating sa mga illegal gambling dahil nga sa hindi masyadong napagtutuonan ito ng pansin ng Administrasyon.
Nawa ay makita natin ng mas higit ang pagiging istrikto ni General Albayalde at malagpasan pa kung ano man ang naging accomplishment ni General Bato Dela Rosa sa Philippine National Police.
Kaya ang ating mensahe sa Heneral, “SIR ITODO MO NA! THIS IS IT. HETO NA ANG BREAK MO”.
*****
Pasakalye para kay Department of Trade and Industry Assistant Secretary Marie Banaag Mam,  maraming salamat po sa inyong tulong at makukuha na ni kasamang Jojo Sicat sa Baguio ang kaniyang sasakyan para naman sa may ari at mekaniko ng Auto Parts and Repair Shop na si  Danilo Baybayan. Sir, tumupad ka na sa mga pangako mo dahil sa pagkakataon na ito kapag ganyan ka pa rin, talagang hindi ka bibiruin ni Asec. Banaag dahil “action lady” ang aleng yan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here