Home Ronda Patrol NCRPO chief Eleazar sa mga pulis iskalawags at tulak, ‘Abot Ko Kayo!’

NCRPO chief Eleazar sa mga pulis iskalawags at tulak, ‘Abot Ko Kayo!’

453
0
SHARE

SA ginanap na Assumption Post Ceremony sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa noong Lunes, nagbabala si Police Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar sa mga pulis na scalawags na nagiging protektor ng mga iligal na trabaho tulad ng droga, mga pasugalan at mga kasuklam-suklam na gawain na makakapagbigay ng mantsa sa kanilang uniporme gayundin ang mga pusher at user na ayaw magsitigil sa kanilang mga masasamang bisyo, ang mensahe sa kanila ni Eleazar ay “ABOT KO KAYO!” o humanda kayo at huhulihin namin kayo!

Sinabi rin ng bagong NCRPO chief na kanyang papalakasin ang Counter Intelligence Task Force sa buong Metro Manila para masupil at mapigilan ang mga iligal at mapanatili ang seguridad at katahimikan sa kanyang nasasakupan.

Pinasalamatan din ng magiting na heneral sina PNP Chief Police Director Oscar Albayalde at dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

Ipinangako din niya na itutuloy ng buong puwersa ng NCRPO ang laban kontra iligal na droga na mandato sa kapulisan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Sa unang Linggo ng pag-upo ni Eleazarbilang NCRPO chief ay isang babae na miyembro ng Special Action Force (SAF) na si PO3 Lyn Tubig na nakatalaga sa Force Support Batallion ng Camp Bagong Diwa, Taguig City ang nahuli sa nasabing lugar ng magsagawa ng anti-criminality o police operation at ang mabilis na pagkakadakip sa suspek na si Angelito Avenido Jr., alyas Moymoy na nangholdap at sumaksak kay Assistant Special Prosecutor of Ombudsman, Atty. Madonna Joy Ednaco-Tanyag sa Quezon City.

Asahan na marami pang accomplishments na mangyayari dahil sa ibinigay na 2 hanggang 3 linggo na palugit ni Eleazar sa mga station commanders sa buong Metro Manila para sa kanilang mga duty performance.

Mabuhay ka General Eleazar Sir. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleNo. 1 most wanted murderer sa Quezon, timbog
Next articleSuspected ecstasy pusher arrested in Angeles City
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here