Home Ronda Patrol NCRPO Dir. Eleazar, nilinaw ang pahayag ni PO1 Valencia

NCRPO Dir. Eleazar, nilinaw ang pahayag ni PO1 Valencia

343
0
SHARE

NILINAW ni Police Dir. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, Direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang pahayag ni PO1 Eduardo Valencia na “Sir hindi na po bago sa ating operatiba yung ganoon kapag may nahuli po tayong drug pusher sir.”

Ayon kay Eleazar, siya mismo ang kausap noon ni PO1 Valencia at nais niyang klaruhin na ang ibig sabihin ng pahayag nito ay hindi na bago sa mga operatiba na magkaroon ng countercharges katulad ng kinaharap ni Valencia sa kasalukuyan kung saan inakusahan siya ng panggagahasa sa isang menor de edad na anak ng nahuling mag-asawang suspek dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Bagama’t ginagawang depensa ng akusadong pulis na pangkaraniwan na daw ang balikan sila ng countercharges ng mga nahuhuling sangkot sa droga, ibinasura agad ni Eleazar ang katuwiran nitong pulis dahil may ebidensiya na naganap ang panggagahasa at siya mismo (si Valencia) ang itinuturo ng biktimang menor de edad.

Matatandaang kumalat ang nasabing pahayag ni PO1 Valencia sa isang video interview na nagbunga ng iba’t ibang interpretasyon ng publiko.

Dagdag pa ng Director ng NCRPO, mariing kinukundena ng Pambansang Pulisya ang anumang maling gawain at katiwalian sa kanilang hanay.

Umaasa si Elezara na maitama ang ispekulasyon ng taumbayan sa kapulisan ukol sa kultura ng pagpapatupad ng batas. Gayundin, muling nangangako si PDIR ELEAZAR na lalo pang paiigtingin ng NCRPO ang kampanya nito laban sa mga tiwaling pulis sa pamamagitan ng Internal Cleansing.

 

*****
PO3 Bernard Villena na suspek sa panggagahasa sa 2 stepdaughters,
nagpasaklolo raw kay Gen. Cascolan?

MAY katotohan ba ang bulong-bulongan ng ilang mga kapatid natin sa media na itong si PO3 Bernard Villena na dating naka assign bilang pulis sa Manila Police District o MPD ay humingi ng tulong kay Police Director General Pancracius “Pikoy” Cascolan sa Camp Crame?

Dahil sa siya ay pinaghahanap na ngayon ng kanyang mga dating kasama at ng buong NCRPO at bago pa ito mailipat ng ibang lugar itong si Villena ay naka assign dati sa Caloocan City sa Northern Police District o NPD subalit ng sumabit ang ilan sa mga kapulisan dahil sa “Kian Delos Santos case” ay kasamang winalis itong si Villena sa buong puwersa na inalis nuon ni dating NCRPO Chief na ngayon ay PNP Chief Oscar Albayalde.

Mga mahal naming readers, itong si Villena ay idenemanda ng lola at ng mismong nanay ng mga bata ng panggahahasa sa dalawang menor de edad na 11 at 13 anyos niyang mga anak-anakan.

Ayon sa salaysay ng dalawang biktima, itong demonyong pulis na ito na nagkatawang tao ay isinasagawa ang kanyang makamundo at nakakasukang kamanyakan tuwing umaalis ang kanilang ina subalit sa tindi ng hirap na kanilang nararanasan magkapatid sa kamay ng kanilang tatay-tatayan ay nagawa ng magsumbong ng mga ito sa kanilang lola.

Agad nagtungo sa tanggapan ni kasalukuyang NCRPO Police Director Guillermo Eleazar at mabilis naman nitong ipinag-utos ang manhunt operation laban kay Villena na agad nagtago ng malaman na siya ay inereklamo.

Simula ng mailathala ang mukha ng suspek na pulis sa isang tanyag na pahayagan ay sinimulan na nitong kausapin umano ang kaniyang mga ka-batch sa loob ng kampo para humingi umano o daw ng tulong kay General Cascolan, dahil sa takot kay Eleazar at sa mga taga CITF.

Gaano kaya katotoo ang nasagap nating balitang ito? Alam naman natin na hindi KUNSINTIDOR sa mga tarantadong pulis si Cascolan lalo na duon sa mga katulad ni Villena na Rapist ng mga menor de edad di ba Sir Pikoy? abangan natin mga kababayan kung hanggang kelan makakapagtago itong si Mamang Pulis sa mga kabaro niya dahil sa kasong kinasasangkotan dasal natin na sana ay MANLABAN na ito ng makakuha na ng agarang hustisya ang dalawang anghel na nilapastangan ng suspek. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here