Home News Report NCRPO: Hepe ng pulis sa Pasay at Muntilupa, sisibakin?

NCRPO: Hepe ng pulis sa Pasay at Muntilupa, sisibakin?

451
0
SHARE
Si NCRPO Director Oscar Albayalde na nagsagawa ng sorpresang inspeksyon sa mga himpilan ng pulisya sa Pasay at Muntinlupa.

PINAG-AARALAN sa ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na sibakin sa puwesto ang mga hepe ng himpilan ng pulisya sa mga lungsod ng Pasay at Muntinlupa makaraang mahuli sa akto na natutulog sa oras ng trabaho ang ilang mga tauhan matapos na isagawa ng naturang tanggapan ang mga sorpresang inspeksiyon sa police precinct nitong nakalipas na Huwebes ng hatinggabi hanggang ng madaling-araw ng Biyernes.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, bumuo na ang tanggapan ng isang oversight committee upang usisain at timbangin ang performance o kung tinutupad ba o hindi ng mga opisyal ng kapulisan ang kanilang mga tungkulin partikular sa oras ng pagtugon sa mga reklamong idinudulog sa kanilang mga opisina.

Tinitingnan din ni General Albayalde na kong pupuwedeng mapalitan sa puwesto sina Senior Superintendent Dionesio Bartolome na hepe ng Pasay City Police Station at Senior Supt. Dante Novicio na hepe naman Muntinlupa City Police.

Aniya, inaasahan ding masisibak sa posisyon ang isang station commander sa Quezon City Police.

Matatandaang naaktuhan ni Albayalde na natutulog ang ilang mga pulis na nakatalaga sa Pasay City Police at nag-iinom naman ang ilang pulis sa istasyon ng pulisya sa Muntinlupa ng Huwebes ng gabi.

Habang naabutan naman ni Albayalde sa pag-iikot nito ng Biyernes madaling-araw ang apat na pulis ng Police Community Precinct 1 sa Quezon City na natutulog kaya antimanong sinibak nito ang mga ito sa tungkulin.

Inaalam rin ni Albayalde ang response time ng mga pulis upang mabatid kung paano pa ito mapapabuti bukod pa sa isinasagawang pag-check kung gising ba ang mga pulis sa oras ng kanilang duty.

Magugunitang ang Eastern Police District (EPD) sa Pasig City, Marikina City Police, at Caloocan City Police ang mga himpilan ng pulisya na sorpresang binisita ng hepe ng NCRPO. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here