Negosyante ng firecrackers, umalma sa planong total ban

0
56
An opinion column by Louie C. Angeles

LABIS-LABIS ang pangamba ng mga malalaking negosyante ng paputol sa bayan ng Bocaue at ilang bayan sa Bulacan dahil sa napipintong pagkakaroon ng total ban sa iba’t-ibang uri ng mga paputok sa bansa.

Ito mismo ang nais ipatupad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa darating taong 2021 – ang total ban sa lahat ng uri ng firecrackers.

Hindi rin naman dito pabor ang ilang namumuno sa Bulacan sa total ban na nais ipatupad gaya ni Gobernador Daniel R. Fernando, Mayor Ambrocio C. Cruz ng bayan ng Guiguinto at Pangulo ng Mayors League Bulacan.

Maging si Mayor Jose C. Santiago ng Bocaue ay nalungkod din siya sa nasabing total ban ng paputok.

Iisa lamang ang naisin o hangad ng mga opisyal ang magkaroon na lang ng regulasyon at paghihigpit sa paggawa ng malalakas na uri ng paputok na nakakasugat sa mga gumagamit nito at huwag na ang total ban.

Ayon naman kay Joven Ong, presidente ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association, Inc. (PPMDAI) na dapat na magkaroon ng paghihigpit sa mga imported na produkto ng mga pyrotechnics kung saan karaniwan sa mga ito ay finish na produkto mula sa bansang china na kung tutuusin ay hindi dumaan sa DTI Product Standard.

Malinaw din na wala itong machine o planta na pagawaan dito sa ating bansa at malinaw na ito ay re-lebel lamang paa maging gawang Pinas.

Nilinaw pa ni Mr. Ong na handa naman silang mag-export ng kanilang produkto kung magiging maganda ang kanilang ugnayan sa isang bansa na nais magpagawa dito sa atin ng mga fireworks o pyrotechnics.

Umaasa din ang samahan ng mga fireworks & firecrackers association sa  Bocaue na ang nasabing total ban na pinaplano pa ng ating Pangulong Duterte ay hindi ito agad na maipapatupad dahil sa maayos na ugnayan ng mga namumuno sa lalawigan.

Ang magandang ugnayan ng national government at lokal na pamahalaan ang siyang makapagbibigay ng lunas sa nasabing problema ng mga maliliit na negosyante ng paputok sa ating bansa.

Kailangan din dito ang pagtalima sa batas ng mga iligal na gumagawa ng malalakas na uri ng mga paputok at sumunod sa nakaakibat na batas kung ilan ang dami ng pulbura.

Ayon naman kay Lea Alapide, pangulo ng Bocaue Firecrackers & Pyrotechnics Assn, handa silang tumalima sa lahat ng requirement sa kanilang negosyo upang lahat ng kanilang paninda sa mga tindahan sa kahabaan ng Govenor Halili Avenue sa Bocaue ay ligal lahat at hindi nagbebenta ng mga ipnagbabawal.

Dagdag pa ni Alapide na dumaan silang lahat sa inspection ng Bureau of Fire & Protection (BFP) at Philippine National Police Fire & Explosive Unit para mga kaukulang lisensya sa pagtitinda. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here