Home Bulacan Local News Negosyante sa Maycauayan patay sa pananambang, driver sugatan

Negosyante sa Maycauayan patay sa pananambang, driver sugatan

157
0
SHARE

CITY OF MEYCAUAYAN, Bulacan — Patay ang isang negosyante habang sugatan naman ang driver nito matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Brgy. Iba sa nasabing lungsod Huwebes ng hapon.

Nakilala ang napatay na negosyante na si Dave Mora habang nasugatan naman ang driver na si John Patrick Uson kapwa residente ng Brgy.Lawa, Meycauayan.

Ang mga salarin ay mabilis na humarurot lulan ng kotseng kulay pula.

Ayon sa imbestigasyon ng Meycauayan police nangyari ang pamamaril bandang alas-2 ng hapon nang ratratin ang Toyota Fortuner na naturang businessman.

Kasalukuyang binabagtas umano ng mga biktima ang kahabaan ng Iba Road nang biglang paulanan na bala ng baril ang mga supek.

Naisugod pa ang dalawa sa ospital subalit binawian ng an g nagosyante habang nakaligtas naman ang driver na may tama ng bala sa kamay.

Ayon sa saksing si Zenaida Martin nakita niya na dalawang lalaki ang bumabaril sa sasakyan ng mga biktima gamit ang M-16.

Matapos umano ang pamamaril ay sumakay ang mga suspek sa kulay maroon na kotse sabay tumakas.

Ang isa sa mga salarin anito ay naka takip ang mukha at ang isa ay walang takip.

Dahil sa sobrang takot ay pumasok sila sa loob ng kanilang bahay dahil sa takot na tamaan ng ligaw na bala.

Nakita naman sa lugar ang mga basyo ng baril na nagkalat, dalawang magazine at isang eskuladong baril sa gilid ng SUV.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente upang matukoy ang mga salarin. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here