Home Showbiz Neri Naig, nagpapayaman ng husto

Neri Naig, nagpapayaman ng husto

22
0
SHARE

MAY bagong business venture si Neri Naig kung saan kasosyo niya ang asawang si Chito Miranda.

Ang business ng mag-asawa na ibinahagi ng former Kapamilya actress sa socmed ay ang ‘Miranda’s Rest House! See you in 3 months! Matatapos na talaga! @mirandasresthouse Eto yung FIRST business venture namin ni Chito bilang mag asawa. FIRST family business, hahaha! I gave in!”

Kinongratulate ni Coco Martin si Neri sa bago nitong business. Pinasalamatan siya ng dating actress kung saan tinawag niya itong ‘idol.’

Ayon pa kay Neri, nakinig daw siya sa mga kaibigan na lagyan niya ng swimming pool ang rest house.

“Yes, nakinig ako sa mga suggestions nyo na sana may swimming pool. Kaya naglagay na kami. Di lang kita yung events place sa bandang dulo, but I will post updates ng @mirandasresthouse soon!” “Excited na ako! Halos maubos ang savings pero worth it! Mababawi din naman soon! Sanaaaa! Haha!”

Ini-encourage ni Neri ang mga misis o kahit hindi pa misis na may pangarap na magtayo ng kung anumang business na gustong itayo.

Aniya, “Kapit lang! Kayang kaya yan! 5 years ago, hindi ko man akalain na matutupad isa isa ang mga pangarap ko. Pero dahil sa sipag at tyaga, pananalig sa sarili at kay God, determinasyon at focus, matibay na support system, di impossible yan sa mga taong nangangarap.”

Kailangan lang daw hanapin kung saan ang mga kakayahan. Pero wag daw kalimutang i-acknowledge ang weaknesses.

Kung marami naman daw ang nagda-doubt sa iyong kakayahan, “ipakita mo sa sarili mo na kaya mo. Walang excuse. YOU CAN DO IT.”

Si Neri ay isang magandang halimbawa para sa maagang nag-asawa, pero may mataas pa ring pangarap na gustong makamit. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleKris at Willie ‘Ikaw Na Nga’ ang theme song
Next articleJohn Lloyd, isa nang direktor!
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here