Netizens ‘dismayado’ sa Holocaust Memorial post ni Angelica

0
69

GUMAWA na naman ng isyu si Angelica Panganiban para mapag-usapan.

Sa kanyang social media account ay nag-post ang Kapamilya actress ng Holocaust Memorial kung saan nasa gitna ng nasabing lugar.

Caption ni Angelica: “Kabibili ko nga lang pala ng bansang ito. Ayon sa ootd ko.”

Dinugtungan pa niya ng ‘Tabi!!! Dadaan ang madam!’

Ang netizens ay na-disappoint at insensitive sa post photo ng actress lalo sa caption na kanyang nilagay.

“Parang done naman in poor taste itong ginawa ni Angge, it love her, pero sobrang out of line to.

“You don’t take an ootd/selfie inside a holocaust memorial. Jews suffered and died in the hands of Nazis.”

“And never joke about ‘buying the place’ and ‘tabi dadaan ang madam’ inside it. That’s super disrespectful, and by posting it, baka madaming sumunod sa yapak niya. Ignorance is not an excuse in this case.”

Inappropriate raw ang ginawa ni Angelica.

Hindi raw siguro makabili ng classy place kaya kung anu-ano na lang ang pinapangarap na bilhin, sambit ng isang netizen at sinabi pang pam-bubully umano sa mga patay ang ginawa ng actress sa historical ng bansa.

“Her joke is not even funny if her intention is to be one. Honestly, I would think twice if any of my family or friends pulled this off. Beyond disgusting. How can you even do this?!”

Hindi naman daw siya ignoranteng turista para gumawa ng isang bagay na may mga kinalaman sa kultura ng ibang bansa.

Pinagsabihan pa siya ng isang netizen, “Obviously, she is not well educated about the places she visits. She has the money to spend in travelling, she should spare some to buy books and learn(at least).”

“I’m disappointed. I like Angelica. But this is disrespectful. Kahit no caption nalang sana. Insensitive. If jewish people will see this!

“I don’t think joke fits a memorial site for people who suffered and lost so much. A solemn selfie should be enough to show respect to this solemn ground.”

Dapat daw ay manonood din si Angge ng mga pelikula tulad ng Schindler’s List para ma-realize raw niya kung gano kahalaga ang istorya na ginawa niyang katatawanan.

“Basa basa din pag may time sa history ng lugar Angge (face palm). *facepalm* can someone give this girl a book? Kahiya naman to.”

“Di ba sya din yung na-reprimand for sitting at the spanish steps dahil hindi nya alam na it’s considered a monument? Ngayon naman humugot sa memorial site. Someone teach this girl some tourist etiquette, nakakahiya.”

Marami raw sablay na nagawa si Angelica sa kanyang pagtatravel sa Rome. Dapat raw kasi kumuha siya ng tourist guide para may umaalalay sa actress hinggil sa lugar na gusto niyang puntahan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here