Network ni Vice Ganda cancel dahil ’di kinaya ng server sa dami ng subscribers

0
96

NAKANSEL ang launching ng network ni Vice Ganda dahil nagkaroon ng technical errors.

Despite the problem, nakuha pa ring magbiro ng ‘It’s Showtime host.

“Kahit ako di makapasok! Di yata ako makilala kasi wala akong make up sa ID ko! Shit!”

Nagkaproblema ang site ni Vice ay dahil maraming fans at supporters niya ang nag-subscribe sa kanyang network. Hindi ito nasustain ng host server kaya bumagsak ang website.

Kesa maghintay ang mga manonood na maayos ang website, nag-decide ang team ni Vice na ipostponed ang network launching.

“Di kineri ng website ang powers nyo! Ayun nagCrash Landing on You ang site ni betle!!! Sorry we decided to cancel and reschedule the #ViceGandaNetworkLaunch”

Ang guest dapat ni Vice sa online show na Gabing Gabi Na Vice ay sina Angel Locsin at Bea Alonzo. 10 p.m, sana ang start ng show.

Hindi man natuloy ang show, binati pa rin ni Angel si Vice.

Aniya sa kanyang Instagram post, “Before I sleep, let me congratulate @praybeytbenjamin for #TheViceGandaNetworkLaunch.

“Hindi kinaya ng internet ang excitement ng tao sayo. Buti pajama ang theme natin at diretso sleep na ako, lol.”

Samantala, nagbahagi naman ng kanyang larawan si Bea habang naghihintay sa launching.

Ang caption na nilagay ni Bea, “Feeling my lewk tonight. in short, GGSS (gandang ganda sa sarili).”

Kinontra naman ng netizens ang sinabi ng Kapamilya actress.

Tunay na maganda ang actress at hindi “Bea Alonzo is really beautiful and not just feeling that she is beautiful.”

“I’m also GGSS, ‘Gandang-Ganda Sayo Sizt’,”

Sabi naman ng isang fan, “kaya pala nabighani si Papa Doms (Dominic Roque). (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here