Home National News Networking company sinalakay ng FDA; 3M HALAGA NG KAPE KUMPISKADO!

Networking company sinalakay ng FDA; 3M HALAGA NG KAPE KUMPISKADO!

657
0
SHARE
Masusing sinusuri ni REU chief Ret. General Allen Bantolo ang mga nasamsam na produkto sa isang malaking networking company sa 6th floor Corporate Building ng Robinsons Galleria sa Pasig City.

NASABAT ng mga tauhan ng Food and Drug Administration(FDA) ang tinatayang aabot ng P3 milyon ng di-rehistradong kape sa isinagawang pagsalakay sa tanggapan ng isang malaking networking company kamakalawa ng hapon sa isang mall sa Ortigas Pasig City.

Armado ng dokumento at seizure order, bandang alas-5 ng hapon ng sinalakay ng FDA Regulations Enforcement Unit sa pangunguna ni REU chief Ret. General Allen Bantolo ang tanggapan ng isang di pinangalanang ‘networking company’ sa 6th floor Corporate Building ng Robinsons Galleria Pasig City na nagbebenta ng ilang produktong gaya ng slimming coffee at iba pang herbal meds.

Masusing sinusuri ni REU chief Ret. General Allen Bantolo ang mga nasamsam na produkto sa isang malaking networking company sa 6th floor Corporate Building ng Robinsons Galleria sa Pasig City.

Nasamsam ng FDA REU ang 119 malaking box ng lean n green coffee na umaabot sa 10,840 piraso na nagkakahalaga ng P3Milyon kung saan ibinibenta ito ng nasabing kumpanya sa kabila ng hindi pa ito rehistrado at aprubado ng ahensya.

Ayon kay Ret. Gen Bantolo, ang pagbebenta ng mga produktong di-rehistrado ng FDA ay labag sa batas dahil sa hindi pa ito dumaraan sa kaukulang pagsusuri kung ito ay walang masamang dulot sa kalusugan ng mga consumers.

Nabatid na kailangang iparehistro muna sa FDA ang bawat produktong gaya ng slimming coffee, herbal tea, pills, capsules at iba pa kung saan daraan ito sa masusing pagsusuri bago ito aprubahan ng ahensya upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng bawat consumers na tatangkilik at iinum nito.

‘Pinoproteksyunan lamang natin ang kalusugan ng consumers kayat ipinatutupad natin ang regulasyon na bawal magbenta ng di-rehistradong gamot at iba pang inuming katulad ng herbal tea o slimming coffee na posibleng may masamang epekto sa tao na iinum nito dahil hindi pa dumaan sa masusing pagsusuri ng eksperto, Ani Bantolo’

Nauna rito, ilang araw bago ang kapaskuhan sinalakay ng FDA katuwang ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group(PNP-CIDG) Anti Fraud Division ang naturang networking company at naaresto ang ilang indibidwal dahil sa pagbebenta ng ilang box ng ‘Slimming capsules’ na hindi rin umano rehistrado at di pa aprubado na ibenta sa publiko.

Kasalukuyang nasa tanggapan ng CIDG Camp Crame ang kahun-kahon ng mga nasamsam na produkto at nakikipagtulungan na ang mga opisyal ng nasabing kumpanya upang maiparehistro na at maisaayos ang legalidad ng kanilang mga manufactured products na ibinibenta sa merkado.

‘Para sa mga iba pang networking companies na mayroon pang mga ibinibentang di-rehistradong produkto ay nararapat lamang na idaan na ninyo iyan sa kaukulang proseso upang naiparehistro at huwag nang antayin pa ang mga pagsalakay sa inyong mga opisina upang makaiwas sa abala ‘Idinagdag ni Bantolo.

Napag-alaman na ang isinagawang pagsalakay ng FDA at CIDG sa naturang lugar ay kauna-unahang seizure operation sa isang malaking networking company ngayong 2018.

SHARE
Previous articlePlane veers off runway during emergency landing at Bicol International Airport
Next article67 tiwaling pulis sisibakin sa serbisyo — PNP
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here