New Normal Policy, Isinusulong sa Kamara!

0
211
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA kabayan, dahil matatagalan pa bago makatuklas ng vaccine sa coronavirus o Covid19 na posibleng abutin ng tatlong taon.

Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa “New Normal Policy” sa mga lugar na pinagtatrabahuhan at iba pang pampublikong lugar.

Base kasi sa House Bill 6623 o New Normal for the Workplace and Public Spaces Act of 2020 na inihain nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Deputy Speaker Luis Ray Villafuerte, ang protocols sa ‘new normal environment’ ay mananatili sa loob ng tatlong taon o habang mayroon pa ring banta sa kalusugan ang COVID-19.

Kabayan, nakasaad sa panukala na ihanda at turuan ang mga Filipino sa new norms o mga bagong makakasanayan tulad ng social o physical distancing at iba pang safety measures na ipapatupad sa gobyerno, pribadong opisina, mga paaralan, commercial establishments at iba pang public places.

Kung saan ipapatupad na magiging bahagi ng ‘new normal’ ang mandatory na pagsusuot ng face masks, paglalagay ng handwashing o sanitizing stations sa lahat ng pampublikong lugar, temperature checks,at mahigpit na pagsunod physical distancing.

Habang mananatili ang take-out services o delivery system sa mga restaurants at iiral pa rin ang online transactions, cashless at contactless services sa pamimili at iba pang serbisyo.

Kabilang rin mga igan ang mga pampublikong transportasyon kung saan paiiralin ang contactless payment mechanism at mananatiling suspendido ang motorcycle taxis upang maiwasan ang pagkalat ng virus dahil sa paggamit ng parehong helmet at maiwasan din ang close contact sa pagitan ng mga pasahero at drivers.

Kasabay nito mga igan, itutulak naman ang online learning platforms bilang primary mode ng pag-aaral ng mga kabataan sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan habang mananatili pa ring suspendido ang pasok sa lahat ng learning institutions.

Ayon sa proponent ng batas, ibabatay sa umiiral na guidelines ng World Health Organization at consensus ng international medical community ang ipapatupad na ‘new normal’ at ang pagbabalik sa dating buhay ng mga tao ay mangyayari lamang kung may bakuna o gamot na makakapigil sa pagkalat at makakagamot ng tuluyan sa mga taong magkakasakit.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here