NFA-Bulacan, may 20,000 sako ng bigas sakaling magkaroon ng kalamidad

0
562

LUNGSOD NG MALOLOS — Hindi nasaid ang kamalig ng National Food Authority o NFA sa Bulacan dahil nananatiling nakaimbak ang may 20,000 kaban ng bigas na maaring magamit sakaling may kalamidad.

Iyan ang tiniyak ni Provincial Manager Elvira Cruz-Obana sa kabila ng kawalan ng suplay ng bigas ng NFA sa palengke.

Ipinaliwanag niya na ang mandato ng NFA ay matiyak na may suplay ng bigas sa loob ng 30 araw kung may kalamidad.

Ibig sabihin, kaya pang makapagdala ng suplay ng bigas ng NFA sa mga pamahalaang lokal sakaling kailanganin. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here