Home National News Ngitngit ng ‘habagat’ mananalasa hanggang Miyerkules

Ngitngit ng ‘habagat’ mananalasa hanggang Miyerkules

113
0
SHARE

PATULOY na makakaranas ng malakas at pabugsu-bugsong pag-ulan ang Metro Manila at karatig na mga probinsya sanhi ng hanging “habagat” ngayong araw ng lunes hanggang Miyerkules, bagamat tinatahak na ntropical storm na ‘Karding’ ang papuntang China.

Batay sa pinakahuling weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Ilocos Region, at Cordillera Administrative Region.

Bukod sa papalabas na ng PAR ang bagyong Karding, ay wala pa naman umanong namo-monitor ang PAGASA na panibagong sama ng panahon sa labas ng bansa.

Nabatid na umabot umano sa kalahati ng ulan na ibinuhos ng bagyong Ondoy noong 2009 ang pag-ulan kahapon sa Metro Manila bunsod ng pinalakas na habagat, ayon sa monitoring ng scientific research institute na Manila Observatory, matapos na maitala ang pinakamataas na ‘accumulated rainfall’ sa sa loob ng 24 oras sa Holy Spirit, Quezon City na 236 millimeters.

Pinayuhan kahapon ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang mga apektado ng baha sa bansa na maging handa at kung maari ay lumikas para sa kanilang kaligtasan.

Source: abante.com.ph

SHARE
Previous articleAnak ng actor/comedian, ‘timbog’ sa damo sa QC
Next articleTagumpay ng San Jose del Monte, ipinagdiwang
Team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multi media press centers are active nowadays. The people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern news agency whose products include newsfeeds, websites, and social networking and it is entitle RONDA Balita, Online Pahayagan ng Masang Intelihente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here