Intel officer ng Norzagaray police, timbog sa robbery-extortion at carnapping

0
163

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Arestado ang isang police officer na nakatalaga sa Norzagaray Municipal Police Station sa inilatag na entrapment operation ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) nitong Wednesday ng hapon (Sept. 9).

Sa ulat kay PNP chief P/Gen. Camilo P. Cascolan ni P/Brig. Gen. Ronald O. Lee, head ng PNP-IMEG, kinilala ang suspek na si P/Staff Sergeant Jonathan Paz Dela Cruz, na nakatalaga bilang intelligence officer ng Norzagaray Municipal Police Station.

Ayon kay Gen. Lee isang entrapment operation laban sa nasabing pulis ang isinagawa ng mga operatiba ng IMEG Luzon Field Unit, sa tulong ng mga ahente mula sa Counter-Intelligence Division ng PNP-IG, RID PRO 3 at PIB Bulacan PPO at ang 82nd Special Action Company ng PNP Special Action Force sa loob mismo ng istasyon ng pulis ng Bayan ng Norzagaray bandang alas-5:30 ng hapon.

Bukod sa robbery extortion kabilang sa isasampang kaso laban sa tiwaling pulis ang carnapping matapos hindi ilagay sa report at blotter ang kinumpiska nitong motorsiklo.

“Ang motorsiklo na ginagamit ng suspek ay napag-alaman na hindi kasama sa imbentaryo ng mga item na nakuha nila sa isang operasyon ng droga noong Agosto 26, ” ni Lee.

Nabatid din, dagdag ni Lee, na ang akusado ay humingi rin umano ng halagang P10,000 sa may ari ng motorsiklo na naaresto sa drug operation kapalit ng kalayaan nito.

Nakuha mula sa suspek ang Yamaha Mio motocycle, walang plate number; ang P10,000 halaga ng boodle money na pinunan ng dalawang minarkahang P500 bill at isang unit S8 Samsung Cellphone.

Agad na dinala si Dela Cruz sa punong-tanggapan ng PNP-IMEG sa Camp Crame para sa pag-book at dokumentasyon.

“Tinitiyak namin sa publiko na walang humpay ang aming kampanya laban sa mga hindi tama at scalawag na pulis gaya ng iniutos ni Chief PNP P/Gen. Camilo P. Cascolan. Dapat malaman ng bawat isa kung ano ang dapat gawin at gawin ito nang tama,” dagdag pa ni P/Gen. Lee.

Nanawagan din si Gen. Lee sa publiko na iulat ang pagkakaroon ng mga tauhang PNP na sangkot sa anumang iregularidad sa PNP IMEG Hotlines: SMART- 09989702286 o GLOBE-09957952569. Maaari ring ipasa ang impormasyon sa Facebook Page: Integrity Monitoring and Enforcement Group at Twitter account: @ imeg2017. (RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here