Home News Report No. 2 most wanted carnapper sa Central Luzon nadakip ng Bulacan-HPG

No. 2 most wanted carnapper sa Central Luzon nadakip ng Bulacan-HPG

427
0
SHARE
Ang No. 2 MWP  na si Wilford Tee na sangkot sa mga serye ng carnapping sa Central Luzon.

NADAKIP ng mga operatiba ng Bulacan Highway Patrol Group ang itinuturing na No. 2 Most Wanted Person sa buong Central Luzon at sangkot sa mga serye ng carnapping kahapon sa City of San Jose del Monte.

P/Chief Insp. Ronnie Failoga, Provincial Chief ng Highway Patrol Group sa Bulacan

Base sa ulat ni P/Chief Insp. Ronnie Failoga, Provincial Chief ng Highway Patrol Group, kinilala ang suspek na si Wilford Tee, nasa hustong gulang at residente ng Sapang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ayon kay Failoga, nagkaroon aniya sila ng weeklong surveillance sa aktibidades ng naturang suspek matapos mabatid na sangkot na muli ito sa mga serye ng nakawan ng motorsiklo sa buong Region 3, bukod pa sa warrant of arrest na nakaisyu dito.

Kaagad nagpadala ng operation team ang Bulacan HPG, matapos mabatid na naglalaro ng motor ang suspek sa Brgy. Sto Cristo, Towerville Minuyan Proper sa nasabing lungsod.

Tinangka pa umanong tumakas ng suspek gamit ang kanyang motorsiklo subalit nagawa itong madakip ng tugisin ng mga awtoridad at mabuwal ang kanyang sinasakyang motorsiklo.

Pansamantalang nakaditine ngayon sa Bulacan HPG detention cell ang suspek.

Todo tanggi naman ang suspek na carnapper at sinabing walang katotohanan ang ibinibintang sa kanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here