Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan ‘No Homework Policy Bill,’ delikado para sa mga guro at bata

‘No Homework Policy Bill,’ delikado para sa mga guro at bata

668
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

Maraming mga guro ang nangangamba ngayon dahil sa dalawang panukalang batas na inihain nina Deputy Speaker Evelina Escudero at Quezon City Rep. Alfred Vargas na nagsasaad ng ‘no homework policy’ mula kindergarten hanggang high school.

Ang House Bill No. 3611 na inihain ng Deputy Speaker ay naglalayong tanggalin ang mga takdang aralin at limitahan ang mga aktibidad sa paaralan.

“Homework assignments can deprive students and precious quality time for rest, relaxation and interaction after school hours and even on weekends,” ito ang naging pahayag ni Rep. Escudero kaugnay sa kanyang panukala.

Layon din ng naturang panukalang batas na hindi na pag-uuwiin ng mga libro ang mga bata para maiwasan umano nila ang pagbubuhat ng mga mabibigat na gamit mula eskuwela pauwi sa kanilang mga bahay.

Ang panukalang inihain naman ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, ang House Bill 3883, ay naglalayon limitahan o itigil ang pamimigay ng assignment sa mga bata para sa mga araw ng Sabado at Linggo.

Nakasaad sa panukala ni Rep. Vargas na magmumulta ng nasa Php 50,000 o pagkakulong ng 1 hanggang 2 taon ang mga gurong lalabag.

Para sa akin, sobrang delikado para sa hanay ng mga guro at maging sa hanay ng mga estudyante oras na maaprobahan ang mga panukalang batas na ito ng dalawang kongresista.

Delikado para sa mga guro dahil kung tutuusin eh parang mas matindi pa yata sa kasong libel kung hindi ako nagkakamali ang kahaharapin nila oras na magkamali silang magbigay ng assignment sa mga bata para sa araw ng Sabado at Linggo.

Ang laki ng multa at saka ano na lang ang sasabihin ng isang guro sa mga makakasama niya sa kulungan kapag nakulong siya at tatanungin kung ano ang naging kaso niya?

Sinabi kong delikado sa panig ng mga bata ang mga panukalang batas na ito lalo na ang House Bill No. 3611 ni Rep. Escudero dahil sa oras na maaprobahan ang mga ito at maging batas, halos araw-araw ay bawal nang bigyan ng assignment ang mga bata. Kapag nagkagayon, ang tanong ay saan na matutuon ang isip ng mga bata? For sure, sa paglalaro sa mga mobile games, pagpi-facebook, at pagba-barkada kapag hindi sila masyadong naaasikaso ng kanilang mga magulang.

Kung patuloy na ganito ang mangyayari, ang lagi na lang silang nagrerelaks at hindi gagawa ng assignment, lalo na sa parte ng mga slow reader at average reader, hindi kaya ito ang magtutulak sa kanila para tuluyan na silang mawalan ng interes sa pag-aaral? Na dahil sa w ala na silang mga ginagawang assignment, ang higit na ookupa sa mga isip at oras nila ay ang paglalaro na ng mga mobile games tulad ng mobile legends at kung ano-ano pa. Hindi bale sana kung ang isip nila ay nakatuon sa pagre-research at pagbabasa ng mga bagay-bagay na makahahasa ng mga isip nila pero sa oras na maging batas at simulan na ipatupad ang mga iyan, ewan ko na lang.

Actually, may ipinapatupad na pong ‘no homework policy every weekends’ ang mga guro. Lamang, mukhang may ilang mga gurong nakakalimot sa pagpapatupad nito. Sa totoo lang, okey naman sa ibang mga magulang ang pamimigay ng assignment sa mga bata. Para daw matuto ang mga ito sa halip na nanonood ng TV o kaya’y naglalaro ng mga mobile games.

Hindi siguro alam nina Rep. Escudero at Rep. Vargas na isa ang assignment sa mga pinagkukunan ng grades ng mga bata. At isa pa, isa ito sa mga paraan na ginagamit ng mga guro para turuan ang mga batang magsaliksik, maging masipag o masikap, at matiyaga sa pag-aaral.

Sana naman, bago nila mapagkakaisahang gawin batas mga iyan ay pag-isipan muna nila ng sampung beses at tingnang maige kung makatutulong nga ba ito sa nakararami o hindi.

Ano’ng sey ninyo, mga ‘igan? Tama ako, ‘di ba? (RONDA Balita Online)

SHARE
Previous articleImproved Cebu BRT right on track for partial operability in 2021 — DOTr
Next articleGraduating student sa Albay, pinatay sa saksak ng BF dahil sa selos
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here