Home Business Non-stop flight ng Philippine Airlines, kasado na!

Non-stop flight ng Philippine Airlines, kasado na!

278
0
SHARE

ILULUNSAD na ng Philippine Airlines ang 24-hour non-stop flight sa Auckland, New Zealand sa Disyembre.

Ito ay matapos lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan nina President COO Jaime Bautista at Ambassador England Hall habang opisyal na ginabayan ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern.

Kung saan layon nitong mas mapaunlad pa ang turismo ng dalawang bansa, maging ang tulong na mapataas at mapatatag ang ekonomiya.

Ipinagmalaki ni Ms. Cielo Villaluna, ang pinuno ng External Communications at tagapagsalita ng PAL, na gagamit ng Airbus A340, na may kapasidad na 254 seat para sa nasabing non-stop service simula sa Disyembre 6.

Nabatid na bumibiyahe ang PAL ng apat na beses isang linggo sa Auckland at nag-i-stop over sa Cairns, Australia gamit ang 156-seater Airbus A320.

Sa pamamagitan aniya ng non – stop service, ang lipad na umaabot ng 13 at mahigit na kalahating oras ay aabutin na lamang ng 10 oras habang tataas din ang passengers’ capacity mula sa 624, ito ay magiging 762  na kada linggo.

Ang PAL ang nag-iisang airline na bumibiyahe mula sa Pilipinas papuntang  New Zealand, at nag-iisang carrier na nag-o-operate sa Melbourne, Darwin at Brisbane sa Australia.

Simula sa Disyembre, ang PAL ay naka-schedule na lumipad alas-11:15 ng gabi sa Auckland tuwing Miyerkules, Huwebes at Linggo at lalapag naman alas-2:05 ng hapon, Linggo, Huwebes at Biyernes.

Aalis naman sa Auckland alas-12:03 ng umaga tuwing Martes, Biyernes at Sabado at makababalik sa Maynila alas-5:45 ng umaga sa nasabi ring mga araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here