Home National News Notoryus na gun-for-hire sa Pangasinan, patay sa engkuwentro

Notoryus na gun-for-hire sa Pangasinan, patay sa engkuwentro

58
0
SHARE

Patay ang isang notorious gun-for-hire na lalaki sa San Fabian, Pangasinan matapos na lumaban nang i-serve ng mga miyembro ng pulisya ang isang Search Warrant laban sa kanya para sa volation ng RA 10591 noong madaling-araw ng Miyerkules (Dec. 26).

Kinilala ni Police Chief Superintendent Romulo E. Sapitula, Regional Director ng Police Regional Office 1, ang suspek na si Christian N. Bandarlipe alyas “Biloy”, ng Brgy. Longis Parac-Parac, ng naturang bayan.

Base sa report, bago pa nakalapit sa tirahan ng suspek ang mga operatiba noong mga oras na iyon ay naramdaman na ito ni Bandarlipe at agad na pinaputukan ng baril ang mga paparating na alagad ng batas.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis at tamaan sa iba’t ibang parte ng katawan ang suspek.

Matapos ang putukan, ang suspek ay agad na dinala sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City pero idineklarang dead-on-arrival ng tumingin na attending physician.

Ayon kay PCSupt. Sapitula, si Bandarlipe ay may mga kasong kinaharap sa korte. Siya ang pinaghihinalaang suspek sa pagpatay sa mga sumusunod: 1.) Brgy. Captain Eduardo Ronquillo ng Brgy. Bolo, San Jacinto; 2.) ang seven (7) month pregnant na si Mary Ann Aoanan ng Brgy. Bagong Pagasa, San Jacinto; at 3.) Brgy. Kagawad Domingo Ramirez, Jr. ng Brgy. Alacan, San Fabian.

Sinabi rin ni Sapitula na ang suspek ay involve sa mga robbery hold-up at maging sa illegal drug trade sa lalawigan ng Pangasinan.

Nakuha ng SOCO team sa pinangyarihan ng insidente ang isang one (1) caliber .45 pistol na may Serial Number 502863; isang magazine para sa cal. 45; assorted live ammunition; mga iba’t ibang fired cartridges; 2 pieces heat sealed plastic sachets na naglalaman ng white substance na pinaniniwalaang shabu; 13 empty plastic sachets; aluminum foil; blue sling bag; isang kulay brown na pouch.

Ang mga medical attendant ng R1MC na tumingin kay Bandarlipe ay nakakuha naman ng isang brown purse na naglalaman ng two (2) heat sealed transparent plastic sachets na may kargang crystalline granules at mga pinaghihinalaang marijuana leaves. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article16-year-old Akyat-Bahay member, arrested by Balagtas police
Next articleDuterte raises bounty for Batocabe’s killers to P50M
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here