Home National News Notoryus na tulak ng iligal na droga sa Cavite, nasakote

Notoryus na tulak ng iligal na droga sa Cavite, nasakote

672
0
SHARE

DASMARIÑAS, Cavite — Nadakip ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Dasmarinas police sa ilalim ng pamumuno ni Police Chief Insp. Fermel Dela Cruz ang notoryus na ‘tulak’ ng iligal na droga sa ginawang buy bust operation noong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ni Dela Cruz, kinilala ang nasakoteng suspek na si onathan Pablo Ramos alyas Kidlat, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. San Miguel sa nasabing bayan.

Ayon sa sa inisyal na report, dakong 1:20 ng madaling araw ng ilatag ang nasabing operasyon at nalaglag sa kamay ng mga otoridad ang suspek matapos nitong pagbilhan ng isang piraso ng plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng halagang P500 marked money.

Narekober sa posisyon ng suspek ang apat na piraso ng plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu at mga drug paraphernalias.

Nakakulong ngayon sa Dasmarinas City jail ang suspek at nahaharap sa paglabag sa Violation of Sec.5 at 11 ng Republic Act. 9165. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here