Home National News Notoryus na ‘tulak’ sa Batangas, nasakote!

Notoryus na ‘tulak’ sa Batangas, nasakote!

2370
0
SHARE

SAN PASCUAL, Batangas — Arestado ang isang “tulak” ng iligal na droga matapos nitong bentahan ang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P500 na marked money sa Brgy. Poblacion sa nasabing bayan noong Biyernes ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon, mismong ang team leader ng grupo na si SPO3 Renato San Gabriel Melecio ng Intelligence section ang nag-aktong poseur buyer.

Ang nasabing operations ay pinangasiwaan naman ng hepe ng San Pascual Municipal Police station na si Police Chief Insp. John Relian at sa ilalim ng pamumuno ni Batangas Police Provincial Director Police Senior Supt. Alden Bacarra Delvo.

Kinilala ang suspek na si Angelo Cunag, 30 anyos, residente ng Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Ayon sa report dakong 10:20 ng gabi ng ilatag ang operasyon sa naturang barangay at nakumpiskahan sa ginawang pagkapkap sa suspek ang karagdagang 3 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakakulong ngayon sa San Pascual Municipal Jail ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Violation of Sec. 5 and 11 ng Art.2 of Republic Act. 9165. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here