Home National News NPA leaders at 2 iba pa timbog sa mga baril, bala sa...

NPA leaders at 2 iba pa timbog sa mga baril, bala sa QC

21
0
SHARE

QUEZON CITY — Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Army Intelligence Regiment, JTF NCR, JSOG AFPSOCOM, CRG-SA3 at ng Philippine National Police (PNP) Regional Special Operations Unit (RSOU), ang isang lider ng Communist Party of the Phillippines (CPP-NPA) at ang dalawa pang kasama nito na nakuhanan ng mga matataas na kalibre ng baril, granada at mga subersibong mga dokumento sa isang search operation sa Lot 16-A Blk 3 Saint Mark St., Corner Saint Joseph St., Doña Tomasa, Brgy. San Bartolome sa nabanggit na lungsod.

Personal na kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) District Director Police Chief Supt. Joselito Esquivel ang mga nadakip na suspek na sina Vicente P. Ladlad, na gumagamit ng mga alyas na Eduardo M. Reyes, Boss Ed, General Reyes, na pinuno ng National United Front Commission at miyembro ng CPP Central Committee, Antonio M. De Jesus alyas Kuya Tony at isang alyas Ate Anna.

Base sa report bandang alas 12:45 ng madaling araw ay isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon na mayroon umanong presensya ng mga kahinahinalang mga tao sa nasabing lugar kaya’t agad nagsagawa ng surveilance operation at naghain ng Search Warrant ang mga otoridad galing sa korte.

Sa ginawang paghahalughog sa bahay ng mga suspek sa pangunguna ni P/Supt. Rogarth Campo, DSOU, CIDU, QCPD SWAT ay nasamsam ang mga baril na Russia SKS (AK-47 with bayonet) na may loaded ng 1 magazine at 9 pirasong bala, Elisco M16A1, assault riffle, na may kasamang 3 magazine at 80 rounds ng 5.56mm ammunitions, 2 cal.45 Colt 45, tatlong magazine assemblies na may laman na 26 rounds ng mga bala, 4 na hand grenades; mga electronic equipment at mga dokumento na naglalaman ng mga subersibong mensahe.

Sa ginanap na Press conference sa Camp Crame sa Quezon City, sinabi ni NCRPO Police Director Guillermo Eleazar at PNP Chief Oscar Albayalde, na si Ladlad ay isa rin sa mga Consultant ng National Democratic Front (NDF) na lumapit sa gobyerno para pag usapan ang peace talks subalit ng hindi nagtagumpay ang usapin ay muling nagplano na pabagsakin ang gobyerno na kinilala ng mga dating kasamahan na rebelde at mga under cover agents.

Bukod sa kasong terorismo mahaharap din ang tatlong suspek sa paglabag sa Violation of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleLalaki ‘comatose” ng tumalon mula sa truck sa La Union
Next article197 new police recruits in Central Luzon take oath
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here