Home Business Nutri-Wealth Malolos, magpapalaganap ng financial literacy

Nutri-Wealth Malolos, magpapalaganap ng financial literacy

537
0
SHARE

PORMAL ng binuksan sa pamamagitan ng ribbon cutting ceremony at blessing ang sangay ng Nutri-Wealth Cooperative sa ground floor ng Paradise Hotel, MacArthur Highway, City of Malolos kamakailan.

Pinangunahan ni City Councilor Niño Bautista ang pagtanggap sa nabanggit na kooperatiba at nagsabi na napapanahon ang pagdating ng Nutri-Wealth Cooperative sa Malolos. 

“Kinilala ang Bulacan bilang Cooperative Capital ng Central Luzon dahil sa dami ng Kooperatiba na nakatatag sa lalawigan. Naglalayon ang Nutri-Wealth Cooperative na mapalaganap ang financial literacy at turuan ng mamamayan sa tamang paraan ng pagpapalago at pag-iipon ng salapi,” ani Konsehal Bautista.

Sa mensahe naman ni Jay Galang, Nutri-Wealth president, sinabi nito na hindi lang basta kooperatiba ang Nutri-Wealth, naglalayon din ito na palaguin ang kaalaman ng mga miyembro at tulungan sila mag negosyo. 

Ani pa nito, mayroon din silang sariling produce na mga produkto kagaya ng kape, bigas at iba pang produktong pang-agrikultura, livestock at poultry.

“Isa sa mga epektibong pamamaraan para lunasan ang kahirapan ang mapagtuunan ng pansin at palakasin ang kooperatiba at agrikultura,” pagtatapos ni Galang.

Larwan mula sa Malolos Impormasyon

 

SHARE
Previous articleBagong BPC officers, manunumpa sa tungkulin
Next articleKampanya laban sa droga, mawawalan ng saysay?
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here