Home National News OFW, sinaksak-patay ni mister sa Isabela

OFW, sinaksak-patay ni mister sa Isabela

17
0
SHARE

SAN MARIANO, ISABELA — Patuloy na pinaghahanap ng kapulisan ang isang mister makaraang pagsasaksakin hanggang sa mamatay ang misis nito sa Brgy. Dipusu sa nabanggit na bayan.

Nakilala ang biktima na si Mylene Baingan, 30 anyos, may asawa, isang OFW habang ang suspek na kanyang mister na kinilalang si Melchor Baingan, nasa tamang edad na kapwa residente ng Brgy. San Francisco, Benito Soliven, Isabela.

Sa paunang imbestigasyon ng PNP San Mariano, pasado alas-12 ng madaling araw (Nov. 14) ng matagpuan ng ama ng biktima ang wala nang buhay na katawan ni Mylene sa loob ng kanilang tahanan.

Nakita rin ng ama ng biktima na may saksak sa leeg si Mylene na pinaniniwalaang kagagawan ng kaniyang asawa dahil huli itong nakita sa kanilang bahay na nagmamadaling umalis at mistula umanong duguan.

Sinikap naman ng ama ng biktima na habulin ang suspek subalit nabigo ito kayat agad na lamang itong nakipag-ugnayan sa PNP San Mariano para sa mabilisang pagkakahuli sa suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP San Mariano na ang biktima at ang asawa nito ay nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan hinggil sa kanilang relasyon hanggang sa mapatay ng suspek ang kaniyang misis.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang PNP-San Mariano sa PNP-Benito Soliven upang maaresto ang suspek na sumaksak-patay sa kaniyang asawa.

Source: Brigada News FM

SHARE
Previous articleRD Sermonia gives 140 police chiefs in Central Luzon 1 month to reform
Next articleSMC to use biodegradable plastics packaging
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here