Home National News One Philippines Party-list, inilunsad sa Bulacan

One Philippines Party-list, inilunsad sa Bulacan

84
0
SHARE

ANGAT, Bulacan — One Love, One Blood, One Life.

’Yan ang bitbit na slogan ng One Philippines Party-list. Ang pagbubuklod-buklod ng mamamayan para sa progreso na kayang-kaya kapag sama-sama nang ilunsad kamakailan sa bayan ng Angat sa Bulacan ang naturang party-list.

Sa pangunguna ng mga nominees ng One Philippines Party-list na sina Rafa Alunan, Aries “Gabo” Ignacio at dating PNP chief ret. Director Gen. Arturo Lomibao kasama ang senatorial candidate ng grupo na ang dating DILG Secretary Rafael Alunan naipaliwanag nila ang misyon at bisyon ng nasabing party-list.

Nais lamang nila ng pagbabago sa sama-samang pagkilos at nagkakaisa bilang magkakapamilya.

At sa pagbabagong makakamit ng bansa ay laging kasama ang OnePH.

Walang patid na serbisyo naman ang iniwang pangako ng mga nominees ng naturang party-list kapag sila ay nabigyan ng pagkakataong mabigyan ng puesto sa Kongreso.

Buong puso namang tinanggap ng mamamayan ng Angat ang bagong party-list dahil sa ganda ng hangarin ng grupo para sa kanila.

“Ito ang party-list na susuportahan ko dahil sa dinami-dami ng mga party-list ito lang One Philippines ang nagsadya pa na pumunta dito sa bayan ng Angat,” ani ng isang kapitan sa nasabing bayan.

Nagbigay din ng pahayag si Rafael Alunan III na tumatakbo bilang senador at magiging kasamahan ng OnePH sa Senado at magbabalangkas ng mga batas na kapaki-pakinabang sa mamamayan.

“He is the most qualified among the senatorial candidates, he was tagged before as ‘Mr. Clean’ of DILG because of his campaign against graft and corruption, he helped in defeating the rebel forces during the December 1989 coup attempt and he held a lot of positions in the government but he was never tainted of any graft and corruption charges,” ani Senator Richard Gordon.

At bilang pagbibigay ng kahalagahan sa mga barangay sa bansa, target ng OnePH Party-list na isulong ang programang magpapatibay sa pananggalang ng bawat barangay laban sa sunog na sa unang dalawang araw pa lang ng taong 2019 ay tumupok na ng 74 kabahayan, 1 tindahan ng prutas, isang bodega, isang paaralan, at isang gusali at kumitil din sa buhay ng isang tao habang nag-iwan naman ng limang sugatan.

Iginiit pa ni OnePH nominee Aries “Gabo” Ignacio na mas maiiwasan ang pagkakalagas ng mga buhay at pagkakasira ng mga ari-arian kung hindi basta-basta natitinag ng mga sakuna o “disaster-resilient” ang isang komunidad.

“Alam naman natin na it takes time bago makaresponde ang ating mga bumbero sa mga insidente ng sunog considering yung communication at travel time nila mula sa mga istasyon papunta sa pinangyarihan ng sunog, kaya madalas pagdating nila sa pinangyayarihan ng insidente masyado nang malaki ang apoy kaya mahirap na itong maapula,” paliwanag pa ni Ignacio.

Aniya, panahon na upang bigyan nang kakayahan ang mga mamamayan na iligtas ang kanilang mga sarili lalo na sa mga insidente ng sunog at iba pang trahedyang mmaaaring mangyari sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagre-require sa mga barangay, gayundin sa iba’t ibang establisimiyento katulad ng mga paaralan, palengke, tanggapan ng gobyerno at iba pang may mga gusali, na magkaroon ng Fire Truck Aide (FTA) System na magtitiyak na may kakayahan ang bawat isang komunidad na pigilan ang paglawak ng sunog habang hinihintay ang pagdating mg fire trucks at mga bumbero.

Ang FTA System ay isang set ng mga fire extinguishers na halos katumbas din ng isang fire truck ang kakayahang makaapula o makapigil sa pagkalat ng sunog sa isang lugar. Mainam umano itong gamit bilang pansamantalang pananggalang sa sunog habang hinihintay ang responde ng mga bumbero.

Sa One Philippines Party-list, sigurado ang kinabukasan ng ating pamilya.

Kayang-kaya kapag sama-sama! (RONDA Balita Online News)

Mga kuha ni RR Eleogo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here