‘One Stop Shop on Wheels’ ni Kuya Jonathan, umarangkada

0
132
Lubos ang pasasalamat ni Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado (pangalawa sa kanan) sa mga tumulong para maging matagumpay ang kanyang Lingkod Tulong ni Kuya, ang “one stop shop on wheels”.

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Umarangkada ang unang araw ng Lingkod Tulong ni Kuya, ang “one stop shop on wheels” na nakapaghatid ng medical assistance sa ating mga indigent na kababayan.

Apat na barangay sa bayan ng Calumpit ang hinatiran ng tulong medikal at ito ay ang mga Barangay Meysulao, San Miguel, Frances at Gatbuca.

Maraming mga residente ang nahatiran ng Lingkod Tulong ni Kuya higi’t lalo yung mga may dinaramdam na sakit.

Lubos ang pasasalamat ng mga residente sa apat na barangay na nasambit sa mga tumulong sa programang ito, sa mga doktor, nurse, BHW’s, volunteers, social workers, pulis, pamunuan ng barangay at lahat ng kanilang mga opisyal. (RONDA BALITA Online)

3 Attachments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here